“I assure you that this government is solidly behind you.”
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard (PCG) sa ika-124 na anibersaryo ng ahensya.

Ayon sa Pangulo, patuloy na mamumuhunan ang pamahalaan sa bagong vessels, aircraft, command posts, at communication systems, gayundin sa pagpapahusay ng training, pasilidad, at logistics para sa mga tauhan ng PCG.
Kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos, iginawad din ni PBBM ang mga parangal sa 16 na natatanging tauhan at crew ng PCG bilang pagkilala sa kanilang katapangan, propesyonalismo, at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.



