31.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Gatchalian hinimok ang DOE na pabilisin ang pagpapatupad ng energy efficiency program

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Department of Energy (DOE) na pabilisin ang pagpapatupad ng energy efficiency program nito upang matiyak ang sapat na suplay ng kuryente sa bansa.

“Umaasa ako na mas malaki na sana ang natitipid natin ngayon,” ayon kay Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Finance, sa nakaraang pagdinig para sa panukalang pondo ng DOE at mga attached agencies nito. Aniya, nasa 0.72% lamang ng kabuuang konsumo ng bansa ang kasalukuyang natitipid.

Layon ng Energy Efficiency and Conservation (EEC) Act, na iniakda ni Gatchalian, na matiyak na laging may sapat na suplay ng kuryente, mapababa ang gastos sa enerhiya, at mapangalagaan ang kalikasan. Sa ilalim ng batas na ito, hinihikayat ang mga industriyang malakas gumamit ng kuryente na maging mas episyente, gumamit ng mga renewable technologies, at samantalahin ang mga insentibo para sa mga energy-saving projects.

Sa kasalukuyan, 9,278 lamang na mga designated establishments ang nakarehistro sa EEC system. “Malayo pa tayo,” ani Gatchalian, na binigyang-diin na may humigit-kumulang 150,000 establisimyento sa bansa na kabilang sa mga large taxpayers o mga kumpanyang may gross sales na higit sa P1 bilyon kada taon.

“Dapat unahin ng DOE ang pagpapatupad ng programa sa mga tanggapan ng pamahalaan, kabilang na ang mga local government unit (LGU),” dagdag ni Gatchalian. May kapangyarihan aniya ang DOE na atasan ang mga institusyon ng gobyerno.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -