PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Oplan Kontra Baha: Greater Metro Manila Waterways Clearing and Cleaning Operations sa Parañaque City, isang kampanyang naglalayong linisin at ayusin ang mga baradong ilog, sapa, estero, at drainage systems upang mabawasan ang pagbaha.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng sabayang paglilinis sa mga daluyan ng tubig sa Meycauayan, Tondo, Quezon City, at Las Piñas.
Ipatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) mula Nobyembre 2025 hanggang Hulyo 2026, saklaw ng programa ang mahigit 140 km ng waterways at 330 km ng drainage systems, kasama ang pag-aayos ng pumping stations at regular na dredging.

Layunin ng kampanya na gawing tuluy-tuloy ang paglilinis at palawakin ito sa mga madalas bahain gaya ng Cebu, Bacolod, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Pangasinan, Cotabato, Davao, at Cagayan de Oro.



