MAY nabasa akong isang artikulo na nagsasaad ng kailangang isagawa ng pamahalaan ang malawakang gugulin upang isulong ang mabilis napaglaking ekonomiko ng bansa kahit hindi ito pondohan ng buwis. Idinagdag pa na kailangan lamang ng pamahalaan na mag–imprenta ng salapi upang tustusan ang malakawang guguling pampamahalaan.
Walang pagtatalo sa pangangailangang isulong ang mabilis na paglakingekonomiko ng bansa. Ngunit hindi lamang ang pamahalaan ang may papelsa pagsusulong ng ating ekonomiya. Maaari rin itong isagawa ng mgapribadong sector sa pamamagitan ng pangangapital o pagpapalawak ng istak ng capital.
Kapag iaasa lamang sa pamahalaan ang pagpapalaki ng ekonomiya, mapapabayaan naman ang ibang mahahalang papel ng pamahalaan saekonomiya. Maliban sa pagpapasulong ng ekonomiya, ginagamit ng pamahalaan ang patakarang fiscal upang mapatatag ang ekonomiya, matugunan ang mga eksternalidad at sa paglalaan ng mga pampublikongprodukto at serbisyo.
Kung ang ekonomiya ay nakararanas ng mabilis ng pagtaas ng pangkalahatang presyo, ang angkop na patakarang fiscal ay pagbabawasng guguling pampamahalaan upang mabasawan ang sobrang demand. Ang pagpapatupad ng malawakang gugulin ng pamahalaan upangmapalaki ang ekonomiya ay lalo lamang magpapataas sa inflation rate dahil sa paglaki ng pangkalahatang demand.
Sa harap ng maraming produkto at serbisyong may matataas na positibongeksternalidad o positibong epekto sa buong lipunan, ang malawakanggugulin ng pamahalaan na nakatuon sa paglaking ekonomiko ay maaaringmakapigil sa pamahalaan na makapagbigay ng subsidi sa paglalaan ng mga produkto at serbisyong matataas ang epekto sa buong lipunan tuladng edukasyon, kalusugan at pabahay. Liliit din ang paglalaan ng mgaproduktong pampubliko tulad ng pagpapalawak ng pananaliksik at pambansang seguridad. Samakatuwid, malaki ang isasakripisyo ng pamahalaan kung nakatutok lamang ito sa pagpapalawak ng imprastruktura.
Ang ikalawang isyung kontrobersiyal sa nabasa kong artikulo ay nagsasaad na hindi kinakailangan ng buwis upang pondohan ang gugulinng pamahalaan.
Ang gugulin ng pamahalaan ay maaring pondohan sa iba’t ibang paraanngunit ang bawat isa ay may kanya kanyang sakripisyo. Ang pagpopondong gugulin ng pamahalaan ay maaaring pondohan sa pamamagitan ng pagbubuwis, panghihiram at pagpapalawak ng salapi. Samantala, angpagpapalawak ng salapi ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagbababa ng interest rate at ang pag–imprenta ng salapi.
Ang bawat alternatibo ay mga kaugnay na sakripisyo. Sa pagbubuwis, itoay maaaring magpababa sa kakayahan ng mga mamimili at negosyante namakabili para sa kanilang pagkonsumo at pangangapital dahil kinukuha ng pamahalaan ang bahagi ng kanilang kita bilang buwis. Nakaaangat lamangang pamumuwis kung ang ambag ng gugulin ng pamahalaan napinondohan ng buwis ay may mas malawak na ambag sa pambansang kitakung ihahambing sa pagkonsumo ng mamimili at pangangapital ng mganegosyante.
Kung ang pondo naman ay uutangin, maaari itong utangin sa loob o labasng bansa. Kung sa loob ng bansa uutangin maaaring tumaas ang interest rate na makapagbabawas sa pribadong pangangapital. Ito ay tinatawag ng crowding out effect. Kaya, sa halip na ang pribadong sector angmagsagawa ng pangangapital ang pondo ay inililipat sa sector ng pamahalaan dahil handang magbayad ang pamahalaan ng mataas nainterest rate.
Kung ang pondo naman ay uutangin sa labas ng bansa maaaring tumaasang halaga ng ating babayaran dahil sa mga panganib ng pagpapautangsa bansa. Ang mataas na bayad sa utang ay magpapataas sa inilalaangpondo sa budget patungkol dito. Maraming proyekto at programa ng pamahalaan ang maaaring isantabi o isasakripisyo bunga ng napakalakingpagseserbisyo ng dayuhang utang.
Kung ayaw natin ng crowding out effect at pagbabayad ng utang maaarinamang tustusan ang gugulin ng pamahalaan sa pagpapataas ng suplayng salapi sa pamamagitan ng pagbababa ng interest rate. Ito ay mauuwi sapagtaas ng pagkonsumo, pangangapital at hindi lamang ang gugulin ng pamahalaan. Dahil mababa ang presyo ng salapi, maraming sector ng ekonomiya ang magdedemand ng mga produkto at serbisyo nanagpapataas ng presyo. Sa pagbaba ng interest rate maaari ding umalisang dayuhang pondo at lumipat sa lugar na mataas ang balik. Ito ay mauuwi ito sa depresasyon ng PH piso.
Isang alternatibo sa pagpapalawak ng salapi ay ang pag-iimprenta ng bagong salapi. Mas mura itong alternatibo dahil napakaliit ng gastos ng papel at pag-iimprenta upang makalikha ng mga salaping may matataas nahalaga. Kahit napakamura ng pag-iimprenta ng salapi at walang crowding out effect sa mga pridadong mangangapital, napakalaki ng naman ng epekto nito sa inflation rate sa buong ekonomiya. Dahil ang pag-iimprentang salapi ay walang katapat na dagdag produksiyon, darami ang salapingmagagamit ng mga mamimili, negosyante at pamahalaan na mauuwi sapagtataasan ng demand sa hindi nagbagong produksiyon kaya’tmagtataasan ang presyo ng mga bilihin.
Ang alternatibong pag-imprenta ng salapi ay hindi ginagamit ng mgamahinahong tagapamahala ng mga bangko sentral dahil ito ay mapanganibat maraming bansa ang nakaranas ng hyperinflation sa ganitongalternatibo at nauwi sa pagbagsak ng buong ekonomiya.
Tulad nang dati, ang anumang aksyon ay may katapat ng sakripisyo, isangprinsipyong ekonomiko na hindi nababali.

