NAGBIGAY si Vice President Sara Duterte ng kanyang pahayag sa Araw ni Andres Bonifacio nitong Lingo, November 30, 2025.
“Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Ngayong araw, ating bigyang pugay ang kagitingan at nag-aalab na katapangan ni Andres Bonifacio.
Kasama ang buong bayan, gunitain natin ang kanyang kabayanihan, at buhayin ang diwa ng patriotismo at pagkakaisa sa puso ng bawat Pilipino.
Gawin nating inspirasyon ang kanyang sakripisyo upang ipaglaban ang katarungan, pagkakapantay-pantay, at magandang kinabukasan ng Pilipinas.
Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”



