NANGUNA si Vice President Sara Duterte sa isinagawang 2nd Mayor Duterte Run sa Coastal Road, Davao City kamakailan.

Paliwanag ng Pangalawang Pangulo, “Nakibahagi tayo sa inilunsad na 2nd DU30 Run na ginanap sa Davao City noong nakaraang buwan.
“Ang Du30 Run ay isang panawagan para sa ligtas na pag-uwi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ating bansa.
“Pangunahing benipisaryo ng DU30 Run ang Field of Dreams Children’s Charity Foundation. Ito ay bahay kanlungan para sa mga biktima ng pang-aabuso at naulilang mga bata mula sa Mindanao. Pagsasalamin ito ng adbokasiya na malapit sa puso ni dating Pangulong Duterte ang ating mga kabataan.
“Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi na mga kababayan mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang ipakita ang pakikiisa sa panawagan na makauwi si dating Pangulong Duterte dito sa ating bansa.
“Maraming salamat rin sa mga taong nag-organisa at naging bahagi sa matagumpay na event na ito.
Mabuhay Kayo!
Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan at sa bawat Pamilyang Pilipino.



