(Huli sa Serye)
SA halos pito’t kalahating dekada, hindi tumigil ang Palanca Awards sa pagtataguyod ng pambansang patimpalak sa panitikan. Kahit pa noong sumailalim ang bansa sa Batas Militar (Martial Law), naging tuloy-tuloy pa rin ang taunang pagbibigay nito ng award. Kung matatandaan, sa mga panahon ngang ito nasulat ang mga nobela ni Lualhati Bautista (+) na tumalakay sa isang madilim na yugto ng ating kasaysayan: ang ‘Dekada ’70’ at ang ‘Bata, Bata, Paano Ka Ginawa.’ Pawang nanalo ng Grand Prizes sa Palanca Awards ang mga akdang ito. Pareho ring naging pelikula ang mga naturang nobela ni Bautista.

Pero noong panahon ng pandemyang Covid-19, pansamantalang inihinto ang pagdaraos ng naturang contest sa loob ng dalawang taon. Sabi ng ilang kakilala kong manunulat, ito pa naman daw sana ang panahon na marami silang panahon para makasulat sapagkat sunod-sunod ang pagdedeklara ng community quarantine.

Pero napagdesisyonan ng Palanca Foundation na palipasin muna ang isa pang madilim na yugto ng ating kasaysayan dahil sa pagdating ng pandemyang kumitil ng maraming buhay. Nang muling magbalik ang Palanca Awards noong 2022, marami ang muling sumali at marami ring akda ang tumalakay sa katatapos na pandemya.

“Actually, ito pa lang ang ika-73 taon ng aming aktuwal na pagbibigay ng award dahil humimpil muna ng dalawang taon ang Palanca Awards noong sumuong ang bansa sa pandemya,” bungad ni Dang Cecilio-Palanca, ang vice president ng Carlos Palanca Foundation, sa kanyang ulat bilang bahagi ng sponsor’s remarks. “Pero kung bibilangin natin ang mga taon mula nang magsimula ito noong 1951, ito na nga ang masasabing Diamond Jubilee year ng Palanca Awards,” pagpapatuloy pa ni Cecilio-Palanca patungkol sa ipinagdiriwang na 75th year ng Palanca Awards.

Sa naging ulat ni Dang Cecilio-Palanca noong Gabi ng Palanca, binanggit niya na “seventy-five (75) years of a hallowed tradition can only spur the Filipino writer to be as courageous in determining new ways to chart inventive paths for the attainment of literary fulfillment and authenticity. Given this resolve, we should look forward to completing a century of welcoming first-time winners in this yearly competition, for whom this special rite of passage will be of memorable significance. Repeat winners will always be welcome, of course, no matter which generation they may represent.”

Nakahihigit ang bilang ng first-time winners sa Palanca ngayong taon ito. Kung titingnan ang kasaysayan nito noong mga nagdaang taon, mapapansing sadyang mas marami ang baguhang manunulat na pinararangalan ng Palanca.

Masasabing magandang senyales ito sa literary life ng ating bansa. Patunay ito na buhay ang ating lokal na panitikan at maraming interesadong ipagpatuloy ito. “Dahil kung puro beterano at old-timers ang nananalo sa Palanca, ibig sabihi’y may problema ang paglago ng ating panitikan,” sabi naman ni Augie Rivera, hurado sa Palanca ngayong taong ito at ilang ulit na ring pinarangalan ng Palanca para sa kanyang mga kuwentong pambata noong mga nakalipas na taon.

Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng mga napiling hurado sa bawat kategorya. Sila ang sumasala sa napakaraming lahok na isina-submit sa Palanca. Ang mga hurado, na maingat na pinipili taon-taon, ay karaniwang mga eskperto sa kani-kanilang genre ng panitikan, o kaya’y mga dating winners din ng Palanca Awards sa naturang kategorya.

Nasa kanilang kamay ang pagtatakda ng tatlong winners sa bawat kategorya. Nasa kanilang palad din ang pagdedeklara ng ‘walang nanalo’ (no winners) kung sa tingin nila ay walang karapatdapat na lahok sa pagkilala ng Palanca.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi at naging hurado sa taon ng Diamond Jubilee ng Palanca Awards:
FILIPINO DIVISION
Maikling Kuwento (mga hurado: Eros Sanchez Atalia, Ferdinand Jarin, at Vlad Gonzales)
- 1st prize: Lee Joseph Castel (“Isang Kahong Cassette Tapes”)
- 2nd prize: Gilbert Baldoza (“Myrna, Aso”)
- 3rd prize: Ronaldo Vivo Jr. (“Ang Ilusyon a Kulay ng Ating Budhi”)
Maikling Kuwentong Pambata (mga hurado: Ani Almario, Segundo Matias, at Augie Rivera)
- 1st prize: Elyrah Loyola Salanga-Torralba (“Ginoong Buwan”)
- 2nd prize: Genaro Gojo Cruz (“Problema Ko Si Nanay”)
- 3rd prize: Dawn Gabriela Emmanuele Dela Rosa (“Si Tala Sa Mahiwagang Pila Ng Jeep”)
Sanaysay (mga hurado: Romulo Baquiran, Beverly Wico Siy, at Marco A.V. Lopez)
- 1st prize: John Brixter Tino (“Ari”)
- 2nd prize: Filliffe Rae Anthonie Anorico (“Si Richard Gappi at Ako”)
- 3rd prize: Angela Cabanes (“Ang Apat Kong Ina”)
Tula (mga hurado: Mikael De Lara Co, Allan Popa, at Michael Coroza)
- 1st prize: Ronald Atilano (“Paghimbing sa Templo”)
- 2nd prize: Alvin Ursua (“Guho”)
- 3rd prize: Karl Isaac Santos (“Doomsaying”)
Tula Para sa Mga Bata (mga hurado: Luis P. Gatmaitan, Christine Bellen-Ang, at Yna S. Reyes)
- 1st prize: Christopher Rosales (“Mga Minatamis na Taludtod”)
- 2nd prize: Genaro Gojo Cruz (“Unang Tibok ng Pusong Musmos”)
- 3rd prize: Klara Domagtoy Espedido (“Ang Salita ay Isang Ugat”)
Dulang May Isang Yugto (mga hurado: Elmer Gatchalian, Malou Crisologo, at Ralph Semino-Galan)
- 1st prize: Aldrine Anzures (“Anino ng Pagtubos”)
- 2nd prize: Dustin Edward Celestino (“Elehiya”)
- 3rd prize: Rouchelle Dinglasan (“Dantay sa Patay”)
Dulang Ganap ang Haba (mga hurado: Banaue Miclat, Tuxqs Rutaquio, at Reuel Molina-Aguila)
- 1st prize: NO WINNER
- 2nd prize: NO WINNER
- 3rd prize: Dustin Edward Celestino (“A.NI.MAL”)
Dulang Pampelikula (mga hurado: Adolfo Borinaga Alix Jr, F.M. Reyes, at Zig Dulay)
- 1st prize: Christopher Cabahug (“Ang Birheng Ipinagkanulo”)
- 2nd prize: Rodolfo Vera (“Watsonville”)
- 3rd Prize: Arjanmar Rebeta (“Mga Kalapating Matayog ang Lipad”)
ENGLISH DIVISION
Short Story (mga hurado: Danton Remoto, Augusto Antonio Aguila, at Isidoro Cruz)
- 1st prize: Al Ryanne Gatcho (“Goat”)
- 2nd prize: Enrico Miguel Perez (“Golgotha”)
- 3rd prize: Christopher Gabriel (“Milked For Milk”)
Short Story For Children (mga hurado: Lalaine Yanilla Aquino, Heidi Emily Eusebio-Abad, at Zarah Gagatiga)
- 1st prize: John Bryan Balolong (“Captain Crayon and the Doodle Pirates”)
- 2nd prize: Manuelita Contreras-Cabrera (“That’s What I Said”)
- 3rd prize: Bryan Mari Argos (“Kapid”)
Essay (mga hurado: Clarissa Militante, Dante ‘Klink’ Ang II, at Nerisa Del Carmen Guevara)
- 1st prize: Joan Saga-Oc (“Echoes of Life in a Kalinga Village: Past and Present”)
- 2nd prize: Catherine Babao (“The Cemetery Playlist”)
- 3rd prize: Mark Alden Arcenal (“Autoethnography of a Hermit Crab”)
Poetry (mga hurado: Angela Fabunan Flores, Shane Carreon, at Jose Wendell Capili)
- 1st prize: Jan Dennis Destajo (“Translocation”)
- 2nd prize: Alfonso Manalastas (“Strange, Black Silhouettes”)
- 3rd prize: Ryan Paul Caidic (“Exodus 15”)
Poetry Written For Children (mga hurado: Maria Elena Locsin, Frances Ong, at Joanna Nicolas-Na)
- 1st prize: Cyne Jarvis Zarceno (“All The Worlds I Know”)
- 2nd prize: Junard Duterte (“Wonders In The Whirlwind: Poems to Make You Think, Dream, and Do”)
- 3rd prize: Salvacion Tandoc (“Words That Wiggle and Dance”)
One-Act Play (mga hurado: Amihan Bonifacio-Ramolete, Edward Cabagnot, at Jeremy Domingo)
- 1st prize: Russell Stanley Geronimo (“Repatriation”)
- 2nd prize: Nicolo Ricardo Magno (“The Field of Forgotten Dreams”)
- 3rd prize: Debbie Ann Tan (“One-Winged Butterfly”)
Full-Length Play (mga hurado: Alexander Cortes, Guelan Varela-Luarca, at Jose Victor Torres)
- 1st prize: Dustin Edward Celestino (“Fidelity”)
- 2nd prize: Rafael Paolo Jimenez (“LVNA”)
- 3rd prize: Salvacion Tandoc (“The President’s Therapist)
REGIONAL LANGUAGES DIVISION
Short Story-Cebuano (mga hurado: Hope Sabanpan-Yu, Dean Ulysses Aparece, at Richel Dorotan)
- 1st prize: Jose Alenogene I. Limpangog (“Ang Kataposang Bato sa Isla Pangaea”)
- 2nd prize: CD Borden (“Unglo”)
- 3rd prize: Kenjiro Mitsui (“Samin”)
Short Story-Hiligaynon (mga hurado: John Iremil Teodoro, Alice Sun-Cua, at Alice Tan-Gonzales)
- 1st prize: Keft Sina-On Sobredo (“Anaw”)
- 2nd prize: Rex Menard Cervales (“Binakol”)
- 3rd prize: Al Jeffrey Gonzales (“Bagat”)
Short Story-Ilokano (mga hurado: Ariel Sotelo Tabag, Joel B. Manuel, at Cles B. Rambaud)
- 1st prize: Freddie Masuli (“Ni Inang Cion ken ti Panagur-urayna”)
- 2nd prize: Lito Hilidon (“Ti Bannuar Ti Bario Tabueng”)
- 3rd prize: Prudencio Padios (“Fireplace”)
KABATAAN DIVISION
Kabataan Sanaysay (mga hurado: Lilibeth Oblena-Quiore, Dinah Sabal-Ventura, at Volt Contreras)
- 1st prize: Joshua Manio (“Tamang Pagluto ng Sinigang’”
- 2nd prize: Jhanna Louise Amado (“Enter Prompt: Ma, Sorry Po!”)
- 3rd prize: Euna Oraiz (“Suki Ako ng Pagod”)
Kabataan Essay (mga hurado: Lilibeth Oblena-Quiore, Dinah Sabal-Ventura, at Volt Contreras)
- 1st prize: John Carl Ll. Guardian (“The Salt Sermon”)
- 2nd prize: Charisse Mae Gonzalo (“Everything is Made Up”)
- 3rd prize: Celestin Nicole Facistol (“Ctrl + V? No Thanks”)
Pagbati sa lahat ng mga manunulat na nagwagi sa Diamond Jubilee ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Subukan nating sumali sa muling pagbubukas ng naturang award ngayong 2026. Walang masama kung susulatin na, ngayon pa lang, ang iyong lahok! Who knows, baka ang iyong akda na pala ang lulutang na lahok sa susunod na Palanca season.

