SA isang pagtitipon na dinaluhan ng mga local government leaders, pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang patuloy na paglilingkod at pakikiisa sa pambansang pamahalaan.

Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng LGUs sa pagpapatupad ng mga programa at sa pagsusulong ng mabuting pamamahala, kasabay ng panawagan ng pagkakaisa sa pagbuo ng Bagong Pilipinas at pagbati ng isang mapayapa at makabuluhang Pasko para sa lahat.



