26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

DICT ipinatupad ang blockchain-based budget para labanan ang korapsyon

- Advertisement -
- Advertisement -

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang transparency portal ng pamahalaan at paggamit ng blockchain technology sa pambansang budget—isang hakbang na naglalagay sa Pilipinas na manguna sa digital governance sa buong mundo.

Sa isang press briefing sa Palasyo noong Huwebes, sinabi ni DICT Secretary Henry Aguda na ang blockchain-powered transparency system na ipinatutupad na ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan, ay malaking hakbang laban sa graft at korapsyon dahil tinitiyak nitong ang pondo ng bayan ay may permanenteng digital record na hindi maaaring baguhin o manipulahin.

Binigyang-diin niya na ito ay tugon sa direktiba ng Pangulo na palakasin ang tiwala ng publiko sa pamahalaan sa pamamagitan ng digital technology, at suportado ng House Speaker Faustino Dy III at Senate President Vicente Sotto III sa ilalim ng whole-of-government approach na kinabibilangan ng Kongreso at Department of Budget and Management (DBM).

“Ito po’y pagtugon sa utos ng Presidente na gamitin ang digital technology para magkaroon ng mas mataas na tiwala ang taumbayan sa gobyerno. Ito naman po’y tinulak din ni Speaker (Dy) at saka ni Senate President (Sotto) at ang kagandahan nito, whole-of-government approach na ito,” ani Aguda.

Ipinaliwanag ng DICT chief na sa pamamagitan ng blockchain technology, bawat piso sa pambansang badyet ay magkakaroon ng permanenteng digital na resibo na hindi maaaring baguhin, burahin, o dayain.

“Ibig sabihin, ang pera ng taumbayan, may permanenteng digital na resibo- hindi pwedeng palitan, hindi puwedeng dayain,” ayon kay Aguda.

“Hindi lang tayo sumabay—nag-leapfrog po tayo,” dagdag ni Aguda, na binanggit na habang ibang bansa ay gumagamit ng blockchain sa limitadong bahagi ng kanilang badyet, ang Pilipinas ay inilalagay ang buong budget cycle sa isang secure digital ledger.

Saklaw ng blockchain system ang lahat ng yugto ng proseso ng badyet—mula sa approval at allocation hanggang sa disbursement at reporting—na ginagawa ang Pilipinas bilang kauna-unahang bansa na nagpapatupad nito.

Ngayong taon, matatapos ang transisyon tungo sa isang ganap na tamper-proof system na sumasaklaw sa buong budget cycle sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act,” paliwanag ni Aguda.

Inilarawan ni Aguda ang blockchain-based system bilang “digital seal of truth” ng pamahalaan na nagbibigay-daan sa sinuman—mamamayan, auditor, researcher, at maging mga susunod na administrasyon—na masuri ang opisyal na rekord ng badyet kahit makalipas ang ilang dekada.

“Sa 2026 budget, mayroon na pong ‘forever,’ forever na ninyong masusuri iyan. Ito ang Digital Bayanihan Chain—isang sistema na nagsasabing ang budget ng bayan ay malinaw, totoo, at hindi nabubura ng panahon o politika,” ayon sa DICT chief.

Binigyang-diin ni Aguda na ang pinakamalaking epekto ng sistema ay mararamdaman sa pagpigil sa korapsyon, dahil ang permanenteng digital records ay nagpapahirap sa pagtatago ng iregularidad at nagpapadali sa pananagutin ang mga opisyal na lumalabag.

“Kapag ang budget ay may permanenteng digital record na hindi pwedeng baguhin nang palihim, mas mahirap mandaya at mas madaling managot,” ani Aguda.

Dagdag pa niya ang transparency portal ang magbibigay-daan sa publiko na masubaybayan kung saan napupunta ang pondo ng pamahalaan, at mananatiling accessible ang ebidensya kahit magpalit ng liderato upang tumulong sa pagtatag ng pangmatagalang tiwala sa mga institusyon ng pamahalaan. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -