26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

May kaugnayan ba ang zodiac sign at pananalapi?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

Uncle, sabi ng katrabaho ko, kaya raw ako laging naubusan ng pera kasi ako raw ay isang “Pisces.” Impulsive raw at hindi raw hilig ang mag-budget. Totoo ba ‘yun, Uncle? May koneksyon ba ang zodiac sign ko sa kung paano ako humahawak ng pera?

Naku, Juan, ‘yan ang isang napakainteresanteng tanong! Bagama’t hindi naman ito siyensya, marami ang naniniwala na ang ating mga personalidad, kabilang ang ating paghawak ng pera, ay may impluwensya mula sa ating mga zodiac sign. Hindi ito magic, Juan, kundi isang paraan ng pag-unawa sa sarili – sa iyong mga kalakasan at kahinaan sa usaping pinansyal!

Sa Pilipinas, marami sa atin ang mahilig magbasa ng horoscope. Lalo na ngayong bagong taon kung saan kumukuha ang Ilan ng guidance o posibleng direksyon ng kinabukasan sa horoscope.  Mula sa pag-ibig, karera, hanggang sa kalusugan, tinitingnan ang sinasabi ng mga bituin.

Nguni’t alam mo bang ginagamit din ng iba ang astrology bilang isang tool para sa self-awareness sa kanilang personal finance? Hindi ito kapalit ng tamang financial education o payo ng eksperto, kundi isang paraan para mas maunawaan ang iyong likas na tendensya sa pera – kung ikaw ba ay mabilis gumastos, mahilig mag-ipon, o risk-taker.

Kahit sa Amerika, isang survey ng LendingTree noong 2021 ang nagpakita na halos 1 sa 5 Amerikano ang gumawa ng financial decision batay sa kanilang horoscope, tulad ng pag-iipon, paggastos nang sobra, o pagbili ng stocks. Ito ay batay sa ideya na ang mga ugaling nakakabit sa bawat zodiac sign ay maaaring maka-apekto sa ating financial behaviors.


Paano nakakatulong ang horoscope sa financial literacy?

Ang pangunahing tulong ng astrology sa financial literacy ay ang paghikayat sa self-reflection.

Nauunawaan mo ba kung ikaw ay madaling maging impulsive sa paggastos (tulad ng Aries o Sagittarius) o masyadong maingat (tulad ng Cancer o Virgo)? Kapag alam mo ito, mas madali mong makikilala at mababawasan ang mga tendensiyang ito.

Ang financial advice ay maaaring gawing mas epektibo kung naka-ayon ito sa iyong natural na ugali. Halimbawa, ang isang impulsive na tao ay maaaring makinabang sa automated savings plans upang mapilitan mag-ipon, habang ang isang sobrang maingat ay maaaring hikayatin na subukan ang calculated growth opportunities.

- Advertisement -

May ilan na gumagamit ng “financial astrology” para tantiyahin ang general market cycles o paborableng panahon para sa investment. Ngunit mahalagang tandaan na ang solidong investment ay dapat laging nakabatay sa sound financial principles at hindi lang sa bituin!

Ayon sa aking pananaliksik, dahil hindi naman ako isang astrologer, may mga financial tendencies daw na naayon sa partikular na zodiac sign. Ilang halimbawa ay ang mga sumusunod:

Kung ikaw daw ay isang Aries, mabilis kang kumilos at risk-taker. Ang hamon mo ay ang impulsive spending. Kaya ang isang tip ay gumawa ng long-term investment strategy at mag-isip muna ng 24 oras bago bumili ng hindi planado.

Ang Sagittarius naman, malakas daw ang work ethic, pero mahilig sa adventure. Madalas, may financial ups and downs dahil sa spontaneous na gastusin. Dapat tingnan  ang financial planning bilang iyong “next great adventure” para manatiling engaged.

Ang Gemini, mahusay naman daw sa networking at multi-tasking, pero madalas ding impulsive. Makikinabang ka sa automated transfers para tuloy-tuloy ang iyong savings.

Kung ikaw ay Taurus, maaring mahusay kang mag-ipon at pinapahalagahan ang security. Ang hamon mo ay ang pagiging masyadong maingat o minsan ay self-indulgent. Gamitin ang iyong pagiging matiyaga para magtakda ng financial goals at payagan ang sarili na mag-take ng calculated risks.

- Advertisement -

Ang Cancer, maingat daw sa pera at mahusay mag-administrate, lalo na para sa pamilya. Ang hamon mo ay sobrang pag-aalala sa pera. Tingnan ang mga planadong pagbili bilang investment.

Ang Virgo, maaring disiplinado, analitiko, at metikuloso mag-budget. Ang hamon mo ay ang pagiging sobrang maingat. Isaalang-alang ang halaga na lampas sa praktikalidad; payagan ang sarili na gumastos para sa convenience at experiences.

Ang Scorpio, strategic, determinado, at mahusay sa research naman daw. Kung secretive ka man, mahalagang humingi ng payo mula sa mapagkakatiwalaang financial professionals at magsanay ng transparency sa pera.

Ang Capricorn, disiplinado, praktikal, at mahusay sa long-term planning. Siguraduhin na ang yaman ay hindi nagde-define ng personal na halaga at iwasan ang paghusga sa gastusin ng iba.

Ang Leo naman daw ay ambisyoso, confident, at mahusay kumita. Mahilig sa luxury at prone sa overspending para magpa-impress. Kailangan mong manatili sa budget at pumili ng isang area lang para sa splurging.

Ang Libra, maaring humahanap ng balanse, mahusay sa negotiation. Indecisive at may tendency na mag-overspend para mag-please ng iba. Magandang magkaroon ng structured budget na may allowance para sa indulgence.

Ang Aquarius, innovative, entrepreneurial, at mapagbigay naman daw. Unconventional sa pera at maaaring mapagbigay nang sobra. Unahin muna ang personal na pananalapi para mas sustainable ang pagiging generous.

Ang Pisces daw ay creative at intuitive. Indecisive, unpredictable, at minsan ay walang interes sa budgeting. Makikinabang ka sa financial advisor at structured, automated savings plans.

Juan, ang astrology ay hindi kapalit ng financial education at propesyonal na payo. Hindi ka nito kayang payamanin mag-isa. Ngunit, maaari mo itong gamitin bilang isang tool para mas maunawaan ang iyong sariling relasyon sa pera. Ito ay makakatulong sa pagbuo ng self-awareness na kailangan para makagawa ng matalino at maingat na financial decisions, at maabot ang pangmatagalang financial health.

Animal ang iyong zodiac sign, ang pinakamahalaga ay ang paghahanap ng kaalaman at disiplina. Konsultahin ang isang qualified financial planner para sa pagbuo ng matatag na financial future mo. Kung alam mo ang iyong sarili, mas madali mong malalampasan ang mga hamon ng pananalapi!

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -