31.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 13, 2026

Pagkatapos bumaba ang YOY inflation sa 1.5% noong Nob, umakyat ito nang bahagya sa 1.8% noong Dis, anu-ano ang mga dahilan ng mga paggalaw na ito?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

UMAKYAT nang bahagya ang year-on-year (YOY) inflation sa 1.8% noong Disyembre pagkatapos nitong bumaba sa 1.5% noong Nobyembre. (Table 1) Ngunit napanatili ang year-to-date (YTD) na average inflation sa 1.7%, ang pinakamababa nitong antas sa loob ng sampung taon.

Dalawangpung tatlo ang sunud-sunod na bagyo ang humambalos sa mga pananim, mga paghahayupan, at palaisdaan. Apat dito ay sumampa sa supertyphoon na kategorya. Ang mga epekto ng mga bagyong ito ang nagpagalaw sa mga presyo nang malakihan. (Table 2)

Ngunit taliwas sa inaasahan,  ang naitalang YOY inflation ng pagkain  ay 1.2% lang, mababa pa rin. Bumaba ang presyo ng bigas ng -12.3% dahil sa pagluwag ng importasyon, at asukal ng -0.5% dahil sa masaganang ani, ngunit biglang umangat ang mais ng  7.3%  dahil   sa -2.9% na pagbagsak ng produksyon sa ikatlong quarter.

Sa kabilang dako, umakyat ang presyo ng  gulay ng 11.6%, cooking oil ng 9.5%, isda ng 9.2%, non-alcoholic beverages ng 4.1%, at karne ng 3.0% dahil sa mas mababang supply.

Nakatulong sa pagpababa ng presyo ng pagkain ang masaganang ani ng palay noong ikatlong quarter. Lumago ang produksyon ng bigas  ng 12.6% noong ikatlong quarter kumpara noong nakaraang taon. Kahit na nagtaas ng import ban ng bigas sa dalawang huling buwan ng 2025, at inaasahang bumaba ng 2.9% ang produksyon noong ikaapat na quarter,


bahagya lang ang naitalang pagtaas ng presyo mula sa negatibong numero sa lahat ng buwan ng taon.

Masagana rin ang ani ng sugar cane na umakyat ng 42.0%, coffee na umakyat din ng 24.3%, at manok at itlog na lumobo ang produksiyon ng 10.6%. Ngunit ang ani ng other agricultural crops ay natamaan ng bagyo kaya bumaba ito ng -3.5%. Ganoon din ang mga ani ng ilang gulay gaya ng mongo, repolyo, kamatis, kamote at kamoteng kahoy kung saan ang taniman (area harvested) ay bumaba  ng 0.5 bahagdan, 5.8 bahagdan, 4.5 bahagdan, at 0.4 bahagdan, respectively. Nanatiling matatag ang YOY inflation ng ready-made food at other food products (2.1%); fruits at nuts (1.6%); at milk at eggs (1.0%).

Lumagapak ang YOY inflation ng non-food items ng 1.2% mula sa 2.4% noong nakaraang buwan dahil bumaba nang bahagya ang YOY inflation ng  alcoholic beverages at tobacco (3.3%); education (3.0%); health (2.7%); housing, water, electricity, gas at fuels (2.5%); restaurants at accommodation services (2.4%); personal care (2.2%); at recreation, sports, at culture (2.0%); at transport (0.3%) . Samantala, umakyat ang clothing (2.7% mula sa 1.8%); at information at communication (0.9% mula sa 0.4%). Nanatiling matatag ang financial services sa 0.0%, kapareho noong isang buwan.

Rumatsada  ang  month-on-month  (MOM)     inflation    sa  0.9% mula sa 0.2% noong Nobyembre.  Umakyat ang presyo ng pagkain ng 2.1% mula sa 0.2% noong nakaraang buwan; at ganoon din ang non-food sa 2.3% mula sa 0.2%.

- Advertisement -

Batay sa MOM inflation,  ang pagkain sa 0.9% mula sa 0.0% noong nakaraang buwan.   Umangat ang MOM inflation ng gulay (12.8%);  bigas (2.8%), mais (9.3%); fruits at nuts (1.7%); karne  (0.4%); flour, pasta at bread (0.3%); non-alcoholic beverages (0.3%); at gatas (0.1%).

Bumaba naman ang isda (1.1%); oils at fats (0.4%); at asukal (-0.3%). Nanatiling matatag ang ready-made food  sa 0.1%.

Sa non-food category naman, umakyat ang tatlong items, di gumalaw ang MOM Inflation ng limang produkto at serbisyo, , at lumagapak ang apat.  Kasama sa mga umakyat ang clothing (0.4%); alcoholic beverages (0.2%); at information at communication (0.1%). Bumaba ang transport (-0.2%); health (-0.2%); recreation, sports at culture (0.0%); at  restaurants at accommodation (0.1%); Ang pag-akyat ng MOM inflation ay kasabay ng pagpapalit ng mga stock ng mga tindahan kapag dumadating ang Pasko. Ang pagbaba ng transport ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng finished petroleum products sa pandaigdigang merkado dahil sa pagtaas ng produksyon, mahinang consumer demand, at ang posibleng pagkaroon ng ceasefire  sa giyera ng Ukraine at Rusya.  Bumaba ang average Dubai crude oil price noong Disyembre sa US$62 kada bariles, ang pinakamababa nitong antas sa buong taon.

Nanatili ang core inflation sa YOY inflation na 2.4% at bumaba ang MOM core inflation sa 0.0%.  Ang ibig sabihin, sa pangkalahatan, banayad ang galaw ng mga presyo.

Dahil ang naitalang average 1.67% na YOY inflation noong 2025 ay mas mababa kaysa sa  lower end ng target inflation range na 2-4%, patuloy na luluwagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang  antas ng liquidity at bababaan ang policy rate sa 4.25% mula sa 4.5% ngayon. Aangat ang ekonomiya sa mas mataas na antas sa 2026.

TABLE 1. CONSUMER PRICES, 2025
    YEAR-ON-YEAR (YOY)  MONTH-ON-MONTH (MOM)
 October  November  December  October  November  December
 ALL ITEMS 1.7 1.5 1.8 0.1 0.2 0.9
 FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 0.5 0.1 1.4 0.0 0.2 2.1
 NON-FOOD 2.3 2.4 1.2 0.2 0.2 2.3
 Alcoholic Beverages 4.0 3.6 3.3 0.1 0.1 0.2
 Clothing and Footwear 1.8 1.8 2.2 0.2 0.2 0.4
 Housing, Water, Electricity, Gas and other Fuels 2.7 2.9 2.5 0.3 0.0 0.0
 Furnishings, Household Equipment and Maintenance 2.4 2.0 1.9 0.1 0.1 0.1
 Health 2.7 2.7 2.7 0.1 0.2 0.2
 Transport 0.9 1.7 0.3 0.0 1.2 –  0.2
 Information and Communication 0.7 0.7 0.9 0.1 0.0 0.1
 Recreation Sports and Culture 1.9 2.1 2.0 0.0 0.2 0.0
 Education 3.0 3.0 3.0 0.0 0.0 0.0
 Restaurants and Accommodation Services 2.4 2.6 2.4 0.1 0.4 0.1
 Financial Services 0.0 0.0 0.0 0.0 0.0 0.0
 Personal Care 2.5 2.4 2.2 0.2 0.2 0.1
 CORE ITEMS 2.5 2.4 2.4 0.2 0.2 0.0
 FOOD 0.3 -0.3 1.2 0.0 0.2 2.3
 Rice -17.0 – 15.4 -12.3 -0.6 0.4 2.8
 Corn -8.1 – 4.1 7.3 -2.5 2.0 9.3
 Flour, Bread and Pasta Products 1.5 1.6 1.8 0.1 0.1 0.3
 Meat 5.2 4.2 3.0 -1.2 – 1.2 0.4
 Fish 8.2 8.6 9.0 0.9 1.5 1.1
 Milk and Eggs 1.6 1.0 0.9 -0.1 -0.3 0.1
 Oils and Fats 9.4 9.7 9.5 0.5 0.6 0.4
 Fruits and Nuts – 1.4 1.6 2.1 -0.3 0.6 1.7
 Vegetables 16.6 4.0 11.6 2.1 0.1 12.5
 Sugar -0.1 -0.3 -0.5 0.0 – 0.1 -0.3
 Ready-Made Food and Other Food Products 2.2 2.1 2.3 -0.1 0.1 0.1
 Non-alcoholic Beverages 4.3 4.0 4.1 0.2 0.2 0.3
 SOURCE: Philippine Statistics Authority

 

- Advertisement -

 

Table 2. TYPHOONS IN 2025
Date Peak Speed Peak Gusts Peak Signal
1 Auring Jun-12 45 55
2 Bising July 6-7 185 185 1
3 Crising July 19-23 70 130 1
4 Dante July 23-24 75 90 1
5 Emong Juy 24-25 118 184 4
6 Fabian Aug-08 45 55
7 Gorio Aug-11 110 135
8 Huaning Aug-19 55 70
9 Isang Aug-22 55 90 1
10 Jacinto Aug-24 45 55
11 Kiko Sep-02 55 70 1
12 Lannie Sep-06 55 70 1
13 Mirasol Sep-16 55 90 1
14 Nando Sept 20-22 215 295 5
15 Opong Sep 24-27 110 150 4
16 Paolo Sep 29-Oct 4 130 201 4
17 Quedan Oct-09 75 90
18 Ramil Oct 17-18 75 90 2
19 Salome Oct-22 55 55 1
20 Tino Nov-02 130 150 3
21 Uwan Nov-09 140 185 4
22 Verbena Nov 24-25 45 55 1
23 Wilma Dec-04 45 55 1
Source: National Disaster Risk Reduction Commission

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -