26.6 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

PBBM, inaprubahan na ang 21 prayoridad na panukalang batas, kasama ang anti-dynasty bill

- Advertisement -
- Advertisement -

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Martes ang 21 prayoridad na panukalang batas sa ginanap na ikatlong Legislative-Executive Development Advisory Council (Ledac) full meeting ng ika-20 Kongreso sa Malacañang Palace.

Ang mga panukalang ito na target maipasa nitong Hunyo ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino, mapalakas ang social protection, at maisulong ang transparency at accountability sa pamahalaan.

“Ayon sa naganap na Ledac meeting, binigyang-prayoridad ni Pangulong Marcos Jr. ang 21 panukalang batas na makakatulong upang maiangat ang pamumuhay ng taumbayan,” pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa Malacañang.

“Sa kabuuan, masaya at kuntento ang Pangulo sa mga priority bills na inaasahang maipapasa bago mag-Hunyo ngayong taon.”

Kabilang sa mga prayoridad na panukala ang Travel Tax Abolition; Expanded Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act of 2026; Anti-Fake News and Digital Disinformation; at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Elections.

Kasama rin sa iba pang prayoridad na panukalang batas ang Anti-Political Dynasty Law; Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability o CADENA Act; Independent People’s Commission Act; at Party-List System Reform Act.

Kabilang pa sa listahan ang mga sumusunod: mga amyenda sa Bank Deposits Secrecy Law o Banking Reform for Integrity, Good Governance, Honesty, and Transparency (BRIGHT) Act; Right to Information Act; mga amyenda sa Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act; mga amyenda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act; mga amyenda sa Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act; mga amyenda sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) Act; Classroom-Building Acceleration Program (CAP) Act; at ang National Center for Geriatric Health.

Kasama rin sa mga prayoridad na panukalang batas ang Waste-to-Energy (WTE) Bill o Waste Treatment Technology Act; mga amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) kabilang ang Energy Regulatory Commission (ERC) Strengthening Bill; mga amyenda sa Rice Tariffication Law o Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act; pagtatatag ng Department of Water Resources; at Estate Tax Amnesty. | PND

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -