INIULAT ni Vice President Sara Duterte na bumisita siya sa Iligan City para makiisa sa mga biktima ng Bagyong Basyang.
Aniya, “Tinungo natin ngayong araw ang Iligan City Public Plaza at La Ville Gym ng Barangay Tubod upang makausap at personal na makumusta ang kalagayan ng ating mga kababayan na labis na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Basyang kamakailan.

“Muli nating pinaalalahanan ang lahat na makinig sa mga abiso ng awtoridad at maging laging handa sa mga sakuna tulad ng pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang trahedyang dulot ng masamang panahon.
“Maraming salamat sa Lokal na Pamahalaan ng Iligan at sa ating mga kababayan sa inyong mainit na pagtanggap sa kabila ng mga hamon na sumubok sa inyong katatagan. Labis ang aking kasiyahan na nakasama ko kayo ngayong araw.”



