PORMAL nang isinumite nito lamang Pebrero 23, 2026 sa House Committee on Justice ang apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, kabilang ang kumpletong listahan ng mga naghain at mga nag-endorso ng mga reklamo, ayon sa tala ng plenaryo ng House of Representatives.

Ang referral na ito ay nag‑trigger din ng “one‑year bar rule”, na nagbabawal sa paghahain ng bagong impeachment complaint laban sa parehong opisyal sa loob ng isang taon mula Pebrero 23, 2026.
Unang impeachment complaint
Ang unang impeachment complaint ay inihain noong Pebrero 2, 2026 ng isang grupo ng civil society at concerned citizens. Ang complaint ay inendorso ng Makabayan bloc, kabilang ang mga mambabatas na sina Rep. Antonio Tinio (ACT Teachers Partylist), Rep. Renee Louise Co (Kabataan Partylist), at Rep. Sarah Elago (Gabriela Women’s Partylist).
Ayon sa kanilang pahayag, ang unang complaint ay tumatalakay sa umano’y maling paggamit ng confidential funds at kakulangan sa transparency sa kanilang pag‑liquidate, na maaaring magdulot ng pagkawala ng tiwala ng publiko (betrayal of public trust).
Ang confidential funds ay pondo na inilaan para sa sensitibong operasyon ng ahensya na hindi isinasapubliko ang detalyadong paggastos, ngunit kailangan pa rin ng audit at documentation ayon sa Commission on Audit (COA).
Ikalawang impeachment complaint
Isang hiwalay na impeachment complaint ang inihain noong Pebrero 5, 2026 ng civil society at advocacy groups. Ayon sa tala ng Kamara, ang endorser ng complaint na ito ay sina Rep. Leila de Lima (ML Partylist) at Rep. Perci Cendaña (Akbayan Partylist).
Ayon kay Rep. De Lima, ang complaint ay may matibay na ebidensya at nakapaloob dito ang mga isyu sa hindi malinaw na paggamit ng pondo at mga paratang na nagdulot umano ng betrayal of public trust.
Ang betrayal of public trust ay legal na terminong ginagamit sa impeachment proceedings, tumutukoy sa kilos ng opisyal na seryosong nakakasira sa tiwala ng publiko.
Ikatlong impeachment complaint
Noong Pebrero 9, 2026, isang impeachment complaint ang inihain ng mga abogado at miyembro ng simbahan. Ang mga nag-endorso ay sina Rep. Leila de Lima at Rep. Perci Cendaña.
Ang reklamo ay nakapaloob sa mga alegasyon ng grave misconduct at betrayal of public trust, kabilang ang mga kilos at pahayag ni VP Sara Duterte na umano’y hindi naaayon sa tungkulin at nagdulot ng pagkawala ng tiwala ng publiko. Ang grave misconduct ay tumutukoy sa isang seryosong paglabag sa pamantayan ng pamahalaan na maaaring maging basehan para sa impeachment.
Ikaapat na impeachment complaint
Ang ika‑apat na impeachment complaint ay inihain noong Pebrero 18, 2026 ni Atty. Nathaniel Cabrera, isang pribadong abogado. Ang mga nag-endorso ay sina Rep. Paolo Ortega V (deputy speaker, Lakas) at Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. (Manila 6th District).
Ayon sa kanila, ang complaint ay may batayan sa alleged discrepancies sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), posibleng unexplained wealth at mga alegasyon ng culpable violation ng Constitution, graft and corruption, bribery, at high crimes
Ang SALN ay taunang deklarasyon ng ari‑arian, utang, at net worth ng isang opisyal upang matiyak ang transparency at maiwasan ang hindi maipaliwanag na yaman.
Mga batayan ng lahat ng complaint
Ayon sa official referral, ang apat na complaints ay naglalaman ng alleged misuse of confidential funds — umaabot sa P612.5 milyon na umano’y ginamit nang walang sapat na documentation; unexplained wealth at SALN issues — mga tanong sa consistency ng deklarasyon ng ari‑arian; grave misconduct at betrayal of public trust — may kasamang mga kontrobersyal na pahayag noong 2024 na nakadagdag sa reklamo; at other allegations — bribery, graft and corruption, high crimes.
Proseso sa House Committee on Justice
Nitong Pebrero 23, 2026, inirefer ng House leadership ang lahat ng complaints sa House Committee on Justice, kung saan susuriin ang sufficiency in form at sufficiency in substance:
Sufficiency in Form — tinitingnan kung kumpleto ang pormal at teknikal na rekisitos ng complaint, kabilang ang verification, signatures, at endorsement.
Sufficiency in Substance — tinitingnan kung may sapat na batayan ang alegasyon upang umusad sa mas mataas na yugto ng impeachment proceedings.
Kapag nakumpirma na sapat ang form at substance: bibigyan ng notice ang respondent para mag-submit ng verified answer; susunod ang hearings at botohan para sa probable cause; at posibleng iakyat sa plenaryo at Senado bilang impeachment court
One-Year Bar Rule
Ayon sa Section 3(5), Article XI ng 1987 Constitution, mula sa Pebrero 23, 2026:
“Hindi puwede maghain ng panibagong impeachment complaint laban sa parehong opisyal sa loob ng isang taon mula sa unang na‑file na reklamo.” Ibig sabihin, hindi maaaring maghain ng bagong impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte hanggang Pebrero 23, 2027.
Schedule ng deliberation
Ayon sa House Committee on Justice chair, ang deliberation para sa sufficiency review ng apat na complaints ay nakatakda simula March 2 hanggang March 4, 2026.

