NAGHAHANAP na ang Pilipinas ng mga alternatibong mapagkukunan ng langis upang matiyak ang matatag na suplay ng gasolina sa gitna ng kawalang-katiyakan sa pandaigdigang merkado.

Sa Press Briefing nitong Martes sa New York, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakikipag-usap na ang pamahalaan sa iba pang mga bansang nagsusuplay ng langis.
“Naghahanap tayo ng iba’t ibang lugar na makapagbigay ng supply sa atin. We are talking to countries that we normally do not buy oil from, but hopefully we will come to an agreement with them and that we will get further supply from them,” ayon sa Pangulo.
Ayon pa kay Pangulong Marcos, ang pangunahing problema ngayon ay hindi alam kung hanggang kailan tatagal ang galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado dahil sa nangyayaring geopolitical tensions.
“The real problem that everyone is dealing with is we don’t know how long this will last,” dagdag pa ng Pangulo.
Binanggit ng Pangulo na walng katikayan ang haba ng nangyayaring tensyon sa Middle East na nakakaapekto sa galaw at presyo ng oil products sa buong mundo.
Pero pagtiyak ng Pangulo, nananatiling nakatutok ang administrasyon para matiyak na matatag at abot-kaya ang suplay ng langis sa Pilipinas. PND



