26.8 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Mga rehiyon na nakaranas ng mabilis na paglago noong 2023 at 2024

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANU-ANONG rehiyon ang nakaranas ng mabilis na paglago noong 2023 at 2024? Nakahabol naman ba ang mga mahihirap na rehiyon kumpara sa mga mayayamang rehiyon? Ano ang dahilan ng developments na ito?

Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.61% noong 2023 at 2024. Bumilis nang bahagya ang Gross Regional Domestic Expenditure (GRDE) noong 2024 sa 5.69% mula sa 5.52% noong 2023.

Bumaba ang coefficient of variation (COE) ng mga GRDE growth rates mula sa 0.27% sa 0.22% noong 2023. Ang ibig sabihin nito, mas equitable ang paglago ng mga rehiyon, mas malapit sa isa’t isa ang kanilang paglago. Sinusukat ng COE kung paano naka-disperse o nakakalat ang antas ng pag-unlad at paglago ng mga rehiyon.

Patuloy ang mabilis na paglago ng mga rehiyon sa labas ng National Capital Region (NCR), ang pinakamayamang rehiyon. Noong 2023 at 2024, anim sa labing-walong rehiyon ay galing sa labas ng NCR. Nanguna ang dalawang rehiyon sa Visayas. Ito ang Central Visayas (Region VII) sa paglago na 7.28% at sumunod ang Negros Island (NIR) sa paglago na 6.81%.  Sumunod ang isang rehiyon sa Mindanao, ang Davao Region na lumago ng 6.51% . Pumang-apat ang Central Luzon (Region III) sa antas na 6.28% na sinundan ng Eastern Visayas (Region VIII) sa antas na 6.25%. Pang-anim ang Ilocos Region (Region I) sa antas na 5.99%. Pangpito ang CARAGA ( Region XIII) sa antas na 5.84% na sinundan ng Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley (Region II) sa mga antas na 5.83% at 5.73%, respectively. (Table 1)

Nasa gitna naman ang Northern Mindanao (Region X), Western Visayas (Region VI), CALABARZON (Region IV-A) at National Capital Region (NCR) sa mga antas na 5.63%, 5.57%. 5.36%, at 5.24%, respectively.


Nasa huli ang palaging binabagyong Bicol (Region V) sa antas na 4.73%, MIMAROPA sa antas na 4.53%, SOCCKSSARGEN (Region XIV) sa antas na 4.51%, Zamboanga Peninsula sa 4.35%, at Bangsa Moro Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 3.37%.  Pagkatapos bumandera ang paglago ng BARMM pakatapos ng konklusyon ng peace process at noong panahon ng pandemya, bumalik sa dating kinasadlakan ang BARMM.

 

 

Ang pagkakapantay-pantay ng mga ekonomiya sa mga rehiyon ay isang layunin na gustong matupad ng lahat ng mga development plans ng mga administrasyong nagdaan.

- Advertisement -

Ngunit kahit na mas malapit ang GRDE growth rate ng mga rehiyon, halos walang nagbago sa ranggo ng per capita GRDE ng mga rehiyon. Ang ibig sabihin ay ang per capita GRDE ang nagpapakita na ang mga mayayamang rehiyon at mayayaman pa rin. (Table 2)   Ang unang siyam na rehiyon ay pareho pa rin ang ranggo kahit na nagdaan na ang dalawang taon. Nagunguna pa rin ang NCR, CAR, Northern Mindanao, Davao Region at CALABARZON sa antas ng yaman. At sumusunod pa rin ang Central Luzon,  Central Visayas, Western Visayas at Ilocos sa ranggong pang-anim hanggang pang-siyam. Walang rehiyon na natinag sa kanilang puesto noong 2024. Nagkabaligtad lang ang ranggo ng MIMAROPA at Negros Island Region. Kulelat pa rin ang pitong pinakamahirap na  rehiyon mula Cagayan Valley,  CARAGA, SOCCSKSARGEN, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Bicol, at BARMM.

Kailangang tingnan ang dahilan ng mababang GRDE para ito’y maremedyuhan at makahabol man lang ang mga mahihirap na rehiyon. Sa mga pag-aaral sa Department of Finance (DOF), tatlo ang dahilan kung bakit nangunguna ang ibang rehiyon sa GRDE—ang antas ng gross regional domestic investment; at ang tindi ng epekto ng mga sakuna sa rehiyon.

Ang mababang antas ng gross regional domestic investment ang siyang may malaking hadlang sa paglago ng mga ekonomiya sa mga rehiyon. Kailangang manghikayat ang mga rehiyon ng mga negosyong maglilikha ng trabaho. Magagawa lang ito nang mas mahusay kapag may investment promotion activities na gagawin ng mga lider ng mga rehiyon.  Kailangan ding bilisan ang pag-proseso ng mga investments para di lilipat ang mga negosyante sa kabilang mga rehiyon o kabilang bansa.

Kailangang damihan ang mga imprastruktura sa mga rehiyon. Malakas ang hatak ng imprastruktura sa negosyo. Ang problema ay walang tumitingin sa mga local na pamahalaan sa mga proyektong dinadala ng National Government (NG) sa mga rehiyon. Iyan ang dahilan kung bakit mabagal ang implementasyon ng mga proyekto at iyong iba ay nananakawan ng pondo. Kailangang gawing  priority ng mga Regional Development Councils (RDCs) na siyang kapulungan ng mga lider ng mga rehiyon ang pag-monitor ng implementasyon ng mga proyekto.

Hindi priority ng mga rehiyon ang imprastruktura. Kahit na 20% ng development expenditures ay dapat sa development projects mapunta gaya ng kalsada, tulay , at patubig, malaki pa rin sa mga resources ng Local Government Units (LGUs) ay nalulustay ang malaking halaga sa mga paluging economic enterprises. Nawawala ang P70 bilyon bawat taon sa mga proyektong ito noong nakaraang sampung taon.

Malaki rin ang kasamaang dulot ng mga bagyo at iba pang natural disasters. Kailangan gawing mas disaster proof ang mga ekonomiya ng mga rehiyon. Kailangang manghikayat ang mga lider ng mga rehiyon ng disaster risk insurance para makalikom ng financial support para makapagsimula ulit kapag natamaan ng sakuna.

- Advertisement -

 

Table 1. Gross Regional Domestic Expenditure, by Region
GRDE Growth Rate GRDE Growth Rate AVERAGE Ranggo
2023 2024
National Capital Region (NCR) 4.88% 5.59% 5.24% 13
Cordillera Administrative Region (CAR) 6.85% 4.81% 5.83% 8
Region I (Ilocos Region) 7.05% 4.94% 5.99% 6
Region II (Cagayan Valley) 6.14% 5.33% 5.73% 9
Region III (Central Luzon) 6.05% 6.51% 6.28% 4
Region IV-A (CALABARZON) 5.16% 5.56% 5.36% 12
MIMAROPA Region 4.63% 4.43% 4.53% 15
Region V (Bicol Region) 4.53% 4.92% 4.73% 14
Region VI (Western Visayas) 6.84% 4.30% 5.57% 11
Negros Island Region (NIR) 7.76% 5.88% 6.82% 2
Region VII (Central Visayas) 7.27% 7.30% 7.28% 1
Region VIII (Eastern Visayas) 6.31% 6.19% 6.25% 5
Region IX (Zamboanga Peninsula) 4.47% 4.23% 4.35% 17
Region X (Northern Mindanao) 5.23% 6.03% 5.63% 10
Region XI (Davao Region) 6.71% 6.31% 6.51% 3
Region XII (SOCCSKSARGEN) 3.52% 5.51% 4.51% 16
Region XIII (Caraga) 4.80% 6.87% 5.84% 7
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) 4.04% 2.71% 3.37% 18
Philippines (Average) 5.52% 5.69% 5.61%
COEFFICIENT OF VARIATION 0.27% 0.22% 0.25%
SOURCE: Philippine Statistics Authority

 

Table 2. Per Capita Gross Regional Domestic Expenditure Ranggo Ranggo
                     At Constant 2018 Prices sa 2022 GRDE sa 2024 GRDE
2022 2023 2024 per capita per capita
..National Capital Region (NCR) 459,630 479,415 503,483 1 1
..Cordillera Administrative Region (CAR) 183,652 194,036 201,088 2 2
..Region I (Ilocos Region) 123,155 131,491 137,645 8 8
..Region II (Cagayan Valley) 112,664 118,762 124,271 12 12
..Region III (Central Luzon) 172,816 181,682 191,874 6 6
..Region IV-A (CALABARZON) 177,153 184,067 192,048 5 5
..MIMAROPA Region 119,928 124,518 129,055 10 11
..Region V (Bicol Region) 94,495 97,969 101,932 17 17
..Region VI (Western Visayas) 120,374 127,776 132,404 9 9
..Negros Island Region (NIR) 116,508 125,078 131,936 11 10
..Region VII (Central Visayas) 166,174 176,496 187,520 7 7
..Region VIII (Eastern Visayas) 106,905 112,848 118,972 16 15
..Region IX (Zamboanga Peninsula) 108,134 111,820 115,358 15 16
..Region X (Northern Mindanao) 182,748 190,554 200,236 3 3
..Region XI (Davao Region) 178,440 188,571 198,559 4 4
..Region XII (SOCCSKSARGEN) 113,051 115,789 120,878 14 14
..Region XIII (Caraga) 113,180 117,396 124,150 13 13
..Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) 54,764 56,058 56,643 18 18
Philippines 179,788 188,061 197,054
SOURCE: Philippine Statistics Authority

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -