NILINAW ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes na hindi aalisin ang Value-Added Tax (VAT) sa mga produktong petrolyo, dahil ito ay isang malaking pinagkukunan ng pondo na ginagamit para matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng publiko.
“Here’s the thing with the VAT. Especially the VAT on oil, on petroleum products. The VAT on petroleum products, we are going to get a windfall profit from that because tumaas ‘yung presyo ng krudo,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang press briefing sa Malacañang.
“And because of that, all the importations will have, at the present VAT rate, we will get extra funds from that. If we take away the VAT on petroleum products, it will only help the petroleum market,” ayon sa Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na ginagawa lang ng gobyerno ang tama na nagbibigay ng tulong sa mga Pilipino, hindi lang sa mga direktang apektado ng isyu sa petrolyo.
“Hindi puwedeng titingnan lang natin is the petroleum, petroleum, petroleum. Kasi sinasabi ng mga tao, bakit puro transport workers lang ang tinutulungan niyo? Paano kami?…We also have to take care of the other sectors,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Ayon pa kay Pangulong Marcos, ang karagdagang pondong makokolekta mula sa VAT ay gagamitin upang matustusan ang iba pang mahahalagang pangangailangan ng buong bansa.
Sinabi ng Pangulo na ito ang dahilan kaya hindi na dapat pang alisin ang VAT.
Gayunman, sinabi nI Pangulong Marcos na patuloy pa rin nilang susuriin o titingnan ang iba pang opsyon.
“You know, like I keep telling you, there is nothing that we are not looking at as a possible option. We are looking at all the options,” ayon sa Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na kung dumating ang tamang panahon na ang VAT ay dapat alisin sa anumang produkto, sinabi ng Pangulo na patuloy pa rin nila itong pag-aaralan nang mabuti.
“Right now, the balance, the cost-benefit analysis between the VAT collections and the benefit to people, to ordinary people, still favors that we collect VAT and we use the extra funds to provide the subsidies, to provide cash benefits, to provide all of those subsidies that we have been able now to provide, that we have to provide now to people to normalize people’s live,” dagdag ng Pangulo. PND



