31.7 C
Manila
Martes, Hunyo 23, 2026

Gatchalian iginiit ang agarang pagpasa ng Ginhawa Bill para itaas ang take-home pay ng middle class

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian ng agarang pagsasabatas ng panukalang “Ginhawa” o ang *Granting Increase in Take-Home Pay for All Working Filipinos Act.

Layon nitong tulungan ang middle class na makasabay sa tumataas na presyo ng mga bilihin dulot ng krisis sa Gitnang Silangan.

Layon ng panukalang batas na mapataas ang take-home pay sa pamamagitan ng pagtaas ng income tax exemption threshold sa P400,000 kada taon mula P250,000. Sabi ng senador,  magbibigay ito ng malaking ginhawa para sa mga manggagawang PIlipinong nasa middle class. Layon din ng panukala na itaas ang limitasyon ng tax-free bonuses sa P150,000 mula sa kasalukuyang P90,000.

“Kailangan din ng middle class ng tulong para maibsan ang pasakit na dulot ng mataas na presyo ng langis at mga bilihin. Ang middle class ang nagsisilbing lifeblood ng lokal na ekonomiya na nagpapasigla sa domestic consumption at malaki ang ambag sa kita ng gobyerno,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Finance Committee at PROTECT ad hoc panel.

Layon din ng panukalang ito na alisin ang buwis sa mga service charge na natatanggap ng mga manggagawa sa sektor ng serbisyo, gayundin sa mga karagdagang bayad tulad ng overtime pay, holiday pay, night shift differential, hazard pay, at maging sa mga honoraria at allowance ng poll workers.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -