28.4 C
Manila
Martes, Hunyo 23, 2026

Gatchalian suportado ang flexible teaching; Tinuldukan na ang ‘One-Size-Fits-All’ na kurikulum

- Advertisement -
- Advertisement -

HINDI na magiging limitato ang Department of Education (DepEd) sa isang ‘one size fits all approach’ sa pagpapatupad ng basic education curriculum.

Ito ang tiniyak ni Senador Win Gatchalian matapos ang ratipikasyon ng bicameral conference committee report na nagresolba sa pagkakaiba ng  House Bill No. 5939 at Senate Bill No. 1899. Sa ilalim ng ratipikadong panukala, maaari nang gamitin ng DepEd ang mga paraan ng pagtuturo na itinuturing nitong pinakamabisa sa pagpapatupad ng basic education curriculum.

Inaamyendahan ng ratipikadong panukala ang  Enhanced Basic Education Act of 2013 (Republic Act No. 10533) o ang K to 12 Law, kung saan ginawang mandato ang paggamit ng spiral progression approach. Sa ilalim ng framework na ito, pinag-aaralan ng mga mag-aaral ang mga basic concepts sa maagang edad, binabalikan ang mga konseptong ito, pinalalalim ang pag-unawa, at ginagawang mas komplikado sa iba’t ibang grade levels.

Ngunit batay sa Final Report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), napilitan ang mga gurong maging mga generalists sa halip na maging mga subject experts, lalo na sa Mathematics at Science. Nagdulot ito sa isang masikip na curriculum at ang kabiguan ng mga mag-aaral na matutunan ang mga foundational skills at knowledge.

“Upang matuto nang husto ang ating mga mag-aaral, kailangang tiyakin nating ginagamit ng ating mga guro ang pinaka-epektibong paraan para sa pagtuturo,” ani Gatchalian, co-author at co-sponsor ng Senate Bill No, 1899.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -