PARA sa mga kabataang Pilipino na patuloy na nagsusumikap kahit gipit sa buhay, malaking hakbang ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Senate Bill No. 1894. Bilang dating chairperson ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education at co-chairperson ng EDCOM II, ipinaglaban ko na mas palakasin ang Tertiary Education Subsidy (TES) para masigurong ang tulong pinansyal ay makarating sa mga pinaka-nangangailangan.
Sa panukalang ito na aking inisponsoran, ine-enhance ang TES at sinisiguradong ang mga financially vulnerable students ang makakakuha. Pinapalawak din ng panukala ang TES para kasama ang libro, pamasahe, laptop, tirahan, at iba pang gastusin sa subsidy. Ang libreng edukasyon ay dapat may kasamang makabuluhang tulong, isang tulay para masigurong patas ang pagkakataon sa bawat batang Pilipino na nangangarap ng mas magandang kinabukasan.



