NATAPOS man ang ating tungkulin bilang chairperson ng Committee on Basic Education sa Senado, mananatili pa rin ang aking paninindigan at laban para sa edukasyon. Dahil ang pag-aalaga sa kinabukasan ng susunod na henerasyon ay hindi nakatali o nasusukat sa anumang posisyon o titulo.
Sa panahon ngayon na marami pa ring pamilyang hirap itaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak, mas kailangan nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng mga repormang magbibigay ng tunay na oportunidad sa kabataan. Dahil kapag nabibigyan ng pagkakataon ang mga Kabataang Pilipino na makapag-aral at makapagtapos, masm marami ring pangarap ang natutupad at mas maraming buhay ang nababago.



