27.4 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 22, 2026

Lacson: Hakbang na payagan ang online participation sa mga pagdinig ng Senado, labag sa mga alituntunin ng Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

MAAARING nilalabag natin ang sarili nating alituntunin.

Ito ang pagkwestyon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Martes ng gabi sa hakbang ng mayorya ng kapulungan na talakayin at pagbotohan sa plenaryo ang mosyon ni Sen. Rodante Marcoleta noong Mayo 11 para payagan ang online participation sa mga pagdinig ng Senado, dahil taliwas umano ito sa mga alituntunin at committee system ng Senado.

“Does it mean that we are now disregarding the committees (and committee system) of the Senate?” tanong ni Lacson habang binabanggit ang Section 24 ng Rules of the Senate, kung saan nakasaad na ang mga komite ay “shall hold meetings to discuss, decide and submit a report on all matters transmitted to them.”

Nakasaad din sa Section 24 na ang ulat ay dapat aprubahan ng mayorya ng regular at ex officio members nito.

Ipinunto ni Lacson na declared vacant ang lahat na pwesto sa Senado matapos nagkaroon ng leadership change noong Mayo 11. Dahil dito, walang chairman o myembro ng Committee on Rules na tatalakay dito. Pati ang Majority Leader na chairman ng Committee on Rules ay declared vacant.

“How can the Committee on Rules properly function in the absence of the committee members? They were vacated. Walang (chairman o) members ang Committee on Rules. We cannot invoke continuity,” aniya.

Kinwestyon din ni Lacson ang pagbanggit ni Senate President Alan Peter Cayetano sa Section 136 ng Rules of the Senate, kung saan maaaring amyendahan ang Rules sa pamamagitan ng mosyong inihain nang hindi bababa sa isang araw bago ito talakayin, at kinakailangan ang boto ng mayorya ng mga senador na present sa sesyon upang ito ay maaprubahan.

Ipinunto niya na mai-a-apply lamang ang Section 136 kung walang referral, ngunit ipinakita ng records ng sesyon noong Mayo 11 na ini-refer ang usapin sa Committee on Rules, na mismong kinumpirma ng Senate President sa interpellation ni Lacson.

Noong panahong iyon, iminungkahi ni Sen. Rodante Marcoleta ang pag-amyenda sa Rule 14 hinggil sa mga sesyon ng Senado sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bagong talata na magpapahintulot sa isang senador, “for justifiable reasons,” na dumalo at makilahok sa sesyon sa pamamagitan ng teleconference, video conference, o iba pang maaasahang remote o electronic means gamit ang naaangkop na information and communications technology.

Iminungkahi naman ni Cayetano na bigyan ang Committee on Rules ng “time to discuss the matter,” kaya isinuspinde ang sesyon hanggang gabi.

“Now my question is, was there any discussion by the Committee on Rules? Apparently there was none. Because it’s now being reported out by the acting Majority Leader without consultation with any of the members,” ani Lacson.

“You cannot just ram it down our throat,” dagdag niya. Ulat mula sa website ni pinglacson.net

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -