33.1 C
Manila
Martes, Hulyo 21, 2026

Gatchalian nananawagan ng mas mahigpit na Fire Prevention Measures sa gitna ng matinding init

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan ng mas mahigpit na mga hakbang para makaiwas sa sunog, at sa mga power distributor para sa pinaigting na inspeksyon laban sa mga ilegal na koneksyon sa kuryente. Ang kanyang panawagan ay kasunod ng mga insidente ng sunog sa bansa sa gitna ng matinding tag-init.

Sa kabila ng nagpapatuloy na ingay sa politika, naging karaniwang araw ng trabaho pa rin para sa senador ang Linggo. Binisita niya ang Barangay Sta. Ana sa Taguig, isa sa mga lugar na naapektuhan ng sunog noong Mayo 25. Sinamahan siya ni Taguig Mayor Lani Cayetano. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga ulat na isang ilegal na koneksyon sa kuryente, o “jumper,” ang posibleng pinagmulan ng apoy.

“Kailangan ng tulong ng mga kababayan natin sa Taguig, kaya personal natin silang binisita upang malaman ang kanilang kalagayan pagkatapos nilang mawalan ng mga tirahan,” ani Gatchalian.

Nagbahagi rin ang senador ng tig-50 kilo ng bigas, na may kabuuang halaga na P247,500, sa 684 na pamilyang naapektuhan ng sunog.

“Tuloy tuloy lang ang trabaho. Kaya nananawagan ako sa mga LGU, local fire bureau personnel, at mga power distributor na paigtingin ang pagpapatupad ng fire safety measures, kabilang ang regular na safety inspections, upang maiwasan ang sunog,” dagdag pa niya.

Sa kanyang naging termino sa Senado, isa sa mga pangunahing isinusulong ni Gatchalian ang reporma sa enerhiya, kabilang ang pagtataguyod ng mas maayos na pamantayan sa kaligtasan ng power distribution at mas matibay na proteksyon laban sa mga panganib na dulot ng kuryente.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -