28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Sen Kiko: Mega govt interventions para sa super El Nino

- Advertisement -
- Advertisement -

ISANG global climate emergency ang nagbabadyang super El Niño. Lubha itong makakaapekto sa mga Pilipinong magsasaka, mangingisda, at mga mamimili. Para maiwasan ang sakuna sa pagkain at kabuhayan, dapat merong mega interventions ang Pilipinas na people-centered, multi-sectoral, at nakaangkla sa national action at international cooperation.

Mga larawan mula sa Office of Senator Francis “Kiko” Pangilinan

Kailangang kumilos nang mabilis ang pamahalaan para ma-secure ang tubig at pagkain. Dapat merong emergency rehabilitation at desilting ng mga sistema ng irigasyon, paglalagay ng mga mobile at communal water facilities para sa paggamit ng sakahan at sambahayan, at mahigpit, malinaw na prayoridad ng inuming tubig at produksyon ng pagkain. Kasabay nito, dapat na mabilis na ilunsad ang mga climate-resilient seeds and inputs, emergency fodder at suporta sa beterinaryo, at mga shock-responsive na cash transfer at tulong sa pagkain para sa pinakamahihirap na sambahayan sa kanayunan at kalungsuran.

Isang pandaigdigang phenomenon ang super El Niño. Kaya dapat na agarang makipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga ahensya ng U.N., mga multilateral bank, climate funds, at humanitarian organizations pa makatuwang sa pananalapi at makatuwang na ipatupad ang mga hakbang na ito. Madaliin ang mga kasunduan para sa mga emergency seeds and fertilizers, suporta sa badyet para sa social protection, at teknikal na tulong sa drought management at early warning. Mas palalakihin at palalawakin ng mga ito ang kayang abutin ng ating sariling pondo at kakayahan.

Ayon sa FAO at UNSDG, sa medium at long-term, gamitin ang krisis na ito para itama ang matagal nang mga kahinaan ng ating food at water systems. Gawing prayoridad:

• Rebuild and modernize our water and food systems: integrated river‑basin management, resilient rural infrastructure, storage and cold chains, and stronger domestic seed and input systems.

• Invest in data, science, and governance: better climate and hydrological monitoring, strong local disaster and climate risk governance, and farmer- and fisherfolk-centered planning at LGU level.

• Scale up climate-resilient irrigation and protect key watersheds from degradation: small-scale communal systems, solar-powered pumps, watershed rehabilitation.

• Mainstream climate-smart agriculture: drought‑tolerant varieties, diversified cropping, and better soil and water conservation through extension, credit, and public procurement that rewards resilient practices.

• Internationally, the Philippines can work with development partners to turn these into programmatic investments rather than one-off projects, aligning grants and concessional loans with a national El Niño and climate-resilience roadmap.

• Expanding shock‑responsive social protection so that cash transfers, food vouchers, and feeding programs automatically scale up in drought- and disaster-affected areas.

Isang pagsubok ang super El Niño sa liderato ng DA, BFAR, BPI, NFA, etc. at sa pandaigdigang pagkakaisa. Humihingi ito ng mabilis at makataong mega intervention ngayon, at malalimang pagbabago bukas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -