30.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

PBBM tiniyak ang mababang halaga ng mga pagkain hanggang huling sandali ng kanyang panunungkulan

- Advertisement -
- Advertisement -

 

Abot-kayang presyo ng bigas at patas na kita ng magsasaka

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Food Authority (NFA) na bumalik sa pagbili ng lokal na palay tuwing anihan at magbenta ng bigas tuwing lean months upang mapatatag ang presyo at mabawasan ang pag-aangkat ng bigas.

Ininspeksyon ng Pangulo ang NFA warehouse sa San Ildefonso, Bulacan at nakipagpulong sa mga magsasaka at lider ng kooperatiba. Tiniyak niya sa mga magsasaka na inaaral ng pamahalaan ang floor price para sa palay para maprotektahan ang kanilang kita.

Mas murang gulay at makabagong pagsasaka

Binisita ni Pangulong Marcos Jr. ang Metro Pacific Fresh Farms (MPFF) sa San Rafael, Bulacan—ang pinakamalaking greenhouse facility sa Pilipinas.

Ang 3.5-ektaryang pasilidad ay may kakayahang makapag-ani ng 500 metric tons ng gulay kada taon gamit ang makabagong teknolohiya. Layunin ng MPFF na makapaghatid ng mas mataas at tuloy-tuloy na ani habang binabawasan ang paggamit ng tubig, lupa, at kemikal.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -