27.7 C
Manila
Lunes, Hunyo 30, 2025

Senado, target lumipat sa bagong gusali sa Fort Bonifacio kalagitnaan ng 2027 – Cayetano

- Advertisement -
- Advertisement -

TARGET ng Senado na simulan ang paglilipat sa bago nitong gusali sa Fort Bonifacio, Taguig sa kalagitnaan ng 2027.

Ipinahayag ito ni Senator Alan Peter Cayetano, tagapangulo ng Senate Committee on Accounts na nangangasiwa sa New Senate Building, sa isang panayam sa media nitong June 26, 2025.

Giit niya, mas maaga dapat ang orihinal na plano ng paglipat pero nausog nang kaunti dahil sa mga kailangang ayusin bago tuluyang maumpisahan ang paglipat.

“N’ung una, ang gusto ko nga first quarter ng 2027. But y’ung negotiations, bidding, pag-aayos ng mga opisina [had to be considered],” aniya. Kaya ngayon, ang target na ay kalagitnaan ng 2027.

“We’re [now] really trying for the middle of 2027. We’re playing safe na last quarter ng 2027, kaya lang ayaw naman natin dumoble ang gastos ng lahat, pati ng mga senador [kung aabutin pa ng] 2028,” pagpapatuloy niya.

Pero paglilinaw ng senador, aabutin ng ilang buwan ang paglilipat dahil sa dami ng mga opisina at dokumento ng Senado.

“y’ung lipat na ‘yan, six months to one year,” aniya. “Sa dami nga [ng kailangan ilipat] sa Senate, records, et cetera, hindi ito parang lipat-bahay na tanggalin mo lahat, lipat mo,” paliwanag niya.

Unang plinanong tapusin noong 2021, dinisenyo ang NSB para mabigyan ng permanente at modernong tahanan ang Senado na hanggang ngayon ay rumerenta lamang sa isang gusali ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Pasay.

Giit ni Cayetano, na minana ang proyekto pag-upo niya bilang Accounts Chair noong 2024, nananatili ang layunin ng kanyang komite na masigurong ang matatapos ang NSB nang may kalidad at sa pinakamababang halaga.

“We’re getting there,” aniya. “What I can assure you with the New Senate Building, hindi nagbabago – how do we have the best building, quality and functionality-wise, at the least price.”

Kasama rin sa aasikasuhin ni Cayetano ang kontrata ng Senado sa GSIS para masigurong may opisina pa rin ang mga senador habang hindi pa tapos ang bagong gusali.

“Kasama sa trabaho ko before Monday is y’ung kontrata namin sa GSIS para hindi tayo mawalan ng opisina habang hindi pa tapos y’ung building,” ayon kay Cayetano.

Malapit na rin aniyang matapos ng kanyang komite ang pinakahuling technical report ng gusali.

“I’ll try to brief you on Monday,” wika niya sa mga reporter.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -