26.5 C
Manila
Lunes, Hunyo 30, 2025

Gatchalian: Pagsulong ng proteksyon sa konsyumer sa digital space tagumpay sa 19th Congress

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senador Win Gatchalian na ang pagsulong ng proteksyon sa mga konsyumer sa digital space ay isang tagumpay na naabot sa panahon ng 19th Congress, kabilang ang pagpasa ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) at Internet Transactions Act (ITA).

“Magkakaroon na ng malakas na kumpiyansa ang ating mga kababayan sa mga transaksyong pampinansyal sa digital space. Habang tinatarget ng AFASA ang mga financial cyber crime tulad ng money mulling at social engineering schemes, tiniyak naman ng ITA ang proteksyon ng mga konsyumer sa e-commerce at mga online na transaksyon,” pagbibigay-diin niya.

Umaasa si Gatchalian na ang pagpasa ng dalawang naturang batas ay makatutulong upang mapabuti ang ranggo ng bansa sa World Digital Competitiveness Ranking, na sumusukat sa kakayahan ng isang bansa na gamitin at ipatupad ang mga digital na teknolohiya upang baguhin ang mga government function, business practices, at lipunan sa kabuuan.

Sinuportahan rin ni Gatchalian sa 19th Congress ang pagpasa ng panukalang E-Governance Act, na naglalayong pasimplehin ang mga proseso sa pamahalaan at itaguyod ang transparency sa mga transaksyon nito. Isa pang panukalang batas na inaprubahan ng Senado at naghihintay na lang ng pirma ng Pangulo ang Konektadong Pinoy Act. Layon nito na isulong ang kompetisyon upang mapabuti ang digital connectivity at access.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -