30.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 20, 2026

Walang pisong sasayangin: Gatchalian suportado ang pananalaping wasto na binanggit sa SONA

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pangako ng Pangulo ng disiplina sa pananalapi at ang mga pagsisikap na tiyakin na bawat pisong pera ng mamamayan ay ginagastos nang maayos at naaayon sa mga prayoridad na programa ng administrasyon sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).

 

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), iniutos ng Pangulo ang pagsusuri at pag-audit sa mga proyekto ng gobyerno sa pagkontrol sa baha kasunod ng malakas na mga pag-ulan nitong nakaraang mga araw at nakaapekto sa maraming bahagi ng bansa.

 

“Malinaw ang sinabi ng Pangulo na hindi niya palalampasin ang mga tiwali. Dapat lang na kasuhan at ipakulong ang mga sangkot sa katiwalian, lalo na sa imprastraktura,” ani Gatchalian.

 

“Dapat hindi ginagalaw ang pondo ng bayan nang walang kabuluhan dahil bawat sentimo ay dapat mapunta sa tunay na serbisyo at proyekto para sa taumbayan,” dagdag niya.

 

Iniutos ng Pangulo sa DPWH na ilista ang lahat ng flood control project mula sa nakaraang tatlong taon at inatasan ang Regional Project Monitoring Committee na tukuyin ang mga hindi natuloy, hindi tapos, o ghost project. Nangako siyang ilalabas ang listahan at magsasagawa ng audit upang matiyak na ang pondo ng publiko ay nagagastos nang tama. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -