26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Legarda itinutulak ang agarang reporma sa depensa: DND transformation, AFP modernization, at serbisyo para sa mga beterano

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ni Senadora Loren Legarda, ang kauna-unahang babae na namuno sa Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation, ang pagdinig noong Pebrero 24 upang igiit ang agarang reporma sa mga institusyong pangdepensa ng bansa.

“Times are changing, and our defense institutions must be able to keep pace. The threats we face today are no longer confined to land and sea, but now include cyber intrusions, disinformation operations, and other ‘gray zone’ tactics that test our cohesion and national resolve,” ani Legarda.

Ipinunto niya ang pangha-harass sa West Philippine Sea at ang pag-shadow sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, na patunay na ang usaping pangseguridad ay nakapasok na sa pang-araw-araw na usapan ng mga karaniwang Pilipino.

Malawak ang tinutukan ng komite, mula sa pamamahala, procurement, tauhan, badyet, hanggang pangmatagalang pagpaplano ng kakayahan.

Pinagtuunan ng pansin ang mga panukalang Department of National Defense Transformation sa ilalim ng Senate Bill Nos. 146, 384, at 1816. Layunin ng mga ito na palakasin ang DND Proper sa pamamagitan ng paglilinaw ng kapangyarihan, pagsasaayos ng tungkulin, at pag-institutionalize ng mga sistematikong reporma. Kabilang sa mga probisyon ang unti-unting pagtaas ng defense spending sa 2 porsyento ng GDP sa loob ng limang taon, pagpapalawak ng senior leadership positions, at paglikha ng dedikadong Cyber Workforce. Kasama rin ang transparency sa government-to-government procurement, safeguards para sa multi-year contracts, at pananagutan sa pamamahala ng defense real property.

Muling binigyang-diin ni Legarda ang pangangailangan ng pagiging mabilis at maliksi sa pagpaplano ng depensa.

“We need a Department of National Defense that can respond to the future, with the professional civilian capability, legal authority, and funding tools to do its job well. We also need an Armed Forces of the Philippines that is not burdened by outdated planning cycles and bureaucratic constraints, but is able to adapt swiftly to rapidly evolving technologies,” ani Legarda.

Tinalakay rin ang Revised AFP Modernization Program sa ilalim ng Senate Bill No. 1845 at Senate Resolution No. 161. Ang panukala ay nagbabago mula sa nakapirming 15-taong implementasyon tungo sa tuloy-tuloy na capability-based framework. Layunin nitong pabilisin ang modernisasyon, tiyakin na ang mga proyekto ay nakabatay sa banta, at isama ang fiscal safeguards. Ilan sa mga isyung binangon ay financing flexibility, DBM certification requirements para sa long-term loans, at pangangailangan ng malinaw na threat-based justification ng mga proyekto upang mapalakas ang strategic coherence at accountability.

Sa huli, tinalakay ang Senate Bill No. 1719, ang Philippine Veterans’ Month Act, na naglalayong ideklara ang Abril bilang Veterans’ Month. Layunin nitong gawing institusyonal ang pag-alala habang pinapabuti ang access sa serbisyo at benepisyo para sa mga beterano at kanilang pamilya. Tinalakay ang kahalagahan ng decentralized service delivery upang maabot ang mga beterano sa malalayong lugar at ang integrasyon ng kasaysayan ng mga beterano sa kurikulum ng Department of Education.

Natapos ang pagdinig sa kasunduan na bumuo ng Technical Working Group (TWG) na tututok sa pagpapabilis ng pagpasa ng tatlong panukala at pag-fine tune ng mga ito para sa agarang pag-apruba.

Nagbigay si Legarda ng malinaw na direktiba sa pagtatapos, na naglatag ng landas para sa komite at sa bansa.

“Our duty today must be approached with precision: strengthen the DND, modernize the AFP, and honor those who served, so we can better secure our nation,” ani niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -