29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Gatchalian: Alisin ang travel tax para lumago ang ekonomiya

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL sa paniniwalang ang ilang dekada nang travel tax ay isang hindi kinakailangang pasanin para sa mga Pilipino, naghain si Senador Win Gatchalian ng isang panukalang batas na naglalayong alisin ang nasabing buwis.

“Habang nag-a-adapt tayo sa mabilis na takbo ng globalisasyon kung saan bumubukas ang mga borders at lumalago ang connectivity, dapat alisin na natin ang mga hadlang sa malayang paggalaw o pagbibyahe, nagpapahina sa turismo, at sumasakal sa mga oportunidad sa negosyo, lalo na para sa mga maliliit na negosyo,” ani Gatchalian sa paghahain niya ng Senate Bill No. 1896 o ang Travel Tax Abolition Act of 2026.

“Dapat nang alisin ang travel tax upang makatulong sa pagtataguyod ng mas malawak na mobility, pagpapasigla ng ekonomiya, at paghikayat ng pandaigdigang kooperasyon at pag-unlad sa pagitan ng mga bansa,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Gatchalian na ang pag-alis sa buwis na ito ay maglalapit sa Pilipinas sa mga pandaigdigang pangako nito partikular na sa Article 2 ng ASEAN Tourism Agreement, na nananawagan sa mga miyembrong bansa na unti-unting alisin ang mga travel levy na ipinapataw sa mga mamamayang nagbibiyahe sa loob ng ASEAN.

Binigyang-diin niya na nagsimula ang pagpapataw ng travel tax 70 taon na ang nakararaan, kaya nararapat lamang aniya na suriin ang naturang polisiya. Kamakailan lamang ay inaprubahan na rin ng House Committee on Tourism ang sarili nitong bersyon ng panukalang batas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -