29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

VP Sara dumalo sa unveiling ceremony ng istatwa ni Kap Oscar Bucol Jr

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMALO si Vice President Sara Duterte sa unveiling ceremony ng istatwa ni Kap Oscar Bucol Jr. sa Brgy. Tres de Mayo, Digos City.

Lahad ni VP Sara, “Muli tayong bumisita sa Digos City sa Davao del Sur noong nakaraang linggo upang personal na daluhan ang unveiling ceremony ng bantayog ng namayapang punong barangay ng Tres de Mayo na si Kap. Oscar “Dodong” Bucol Jr. sa mismong barangay hall kung saan siya dating nanilbihan.

“Si Kap. Bucol Jr. ay biktima ng karahasan noong nakaraang taon. Nakilala siya dahil sa kanyang tapang sa pagtatawag pansin sa mga katiwalian na nangyayari sa bayan at pagmamalasakit sa kanyang mga nasasakupan.

“Maraming salamat sa Barangay Tres de Mayo at Lungsod ng Digos sa pagsigurong mananatiling buhay at nakaukit sa kasaysayan ang ipinakitang kabayanihan ng namayapang lingkod-bayan.

“Ipadayon nato ang iyahang mga nasugdan, ug magpabilin kitang lig-on sa pagbarog alang sa kamatuoran.

“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -