31.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

VP Sara bumisita sa Nagacadan Rice Terraces

- Advertisement -
- Advertisement -

PUMUNTA si Vice President Sara Duterte sa Nagacadan Rice Terraces at Open-Air Museum sa Kiangan, Ifugao kamakailan kasabay ng kanyang pagdalo sa Rambakan Festival sa Bayan ng Lamut.

 

Ito ang kanyang kuwento.

“Labis ang aking pagkamangha nang makita ang napakagandang tanawin ng Nagacadan Rice Terraces at Open-Air Museum sa Kiangan, Ifugao noong tayo ay bumisita sa probinsya upang makiisa sa Rambakan Festival sa Bayan ng Lamut.

“Ang Nagacadan Rice Terraces ay isa sa limang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco) World Heritage Rice Terraces sa Cordillera. Kilala rin ito bilang isa sa mga open-air museum dahil ito ay living cultural landscape na nagpapakita ng relasyon at ugnayan ng kultura at kalikasan.

“Mga kababayan, patuloy nating alagaan at pagyamanin pa ang ating mga likas na yaman upang ito’y mapakinabangan ng mga susunod pang henerasyon. Kaisa ninyo sa adbokasiyang ito ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa pamamagitan ng PagbaBAGo: A Million Trees campaign.

“Agyamanak unay iti naimbag ken napno ti ayat a panangawat yo kadakami.

“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -