UNCLE, nalalapit na naman ang isang mahabang weekend! Gusto kong mag-road trip kasama ang pamilya, pero, Uncle, ang taas naman ng presyo ng gasolina. Narinig ko pa, pati sa eroplano, tumataas din daw. Parang ang hirap nang magplano ng byahe. Pera na lang ba palagi ang kalaban?
Naku, Juan, tama ka. Ang pagtaas ng presyo ng krudo, mapa-gasolina man ‘yan o jet fuel, ay isang hamon talaga sa ating mga mahilig maglakbay. Hindi lang ito tungkol sa magkano ang ilalagay mo sa tangke ng iyong sasakyan, kundi sa kung paano mo ihahanda ang iyong sarili at ang iyong bulsa para sa byahe. Pero hindi ibig sabihin, hindi na tayo puwedeng maglakbay. Kailangan lang nating maging mas matalino.
Ang paglalakbay sa panahon ng fuel crisis ay parang paglangoy sa maalong dagat – kailangan ng maingat na pagbalanse ng pagiging praktikal sa pananalapi at pagiging flexible. Bagama’t sinisiguro ng mga malalaking airline sa Pilipinas na mayroon silang sapat na jet fuel, asahan na natin ang mas mataas na gastos sa transportasyon, posibleng pagbabago sa ruta, at mas mahigpit na travel restrictions, lalo na para sa ilang sektor.
Kung ang iyong budget ay may espasyo para sa posibleng pagtaas ng presyo at mayroon kang “contingency plan” para sa mga delays o cancellations, posible pa ring maglakbay. Hindi natin kailangang ipagpaliban ang ating mga pangarap na makita ang Pilipinas o makabisita sa ibang bansa. Kailangan lang ng masusing pagpaplano at financial literacy.
Bakit nagiging mas mahirap ang paglalakbay sa panahon ng krisis sa krudo?
Mas mahal na pamasahe. Direktang naapektuhan ng presyo ng krudo ang pamasahe sa eroplano, bus, at maging ang presyo ng gasolina para sa mga may sariling sasakyan. Kaya, mas malaki ang kakailanganing pondo para sa mismong biyahe.
Posibleng pagbabago at pagkaantala. Dahil sa fuel costs, posibleng magkaroon ng route changes ang airlines, o kaya’y delays at cancellations para mas makatipid. Ito ay maaaring magdulot ng dagdag na gastos sa rebooking, accommodation, o pagkain habang naghihintay.
Iba pang restriksyon. Kung minsan, nagkakaroon din ng stricter restrictions sa paglalakbay, lalo na para sa mga official trips, para makatipid sa enerhiya.
Paano maging matalinong byahero: Financial literacy sa pagpaplano ng paglalakbay
Hindi natin hawak ang presyo ng krudo, pero hawak natin ang ating pagpaplano. Narito ang ilang tips para maging matalinong byahero.
- Maglaan ng mas malaking budget para sa transportasyon at contingency fund
- Alamin ang presyo. Bago mag-book, alamin ang kasalukuyang presyo ng pamasahe at gasolina. Maglaan ng “buffer” o sobrang pondo para sa posibleng pagtaas ng presyo habang papalapit ang byahe.
- Emergency Fund sa Paglalakbay. Maglaan ng hiwalay na pondo para sa mga hindi inaasahang gastos. Kung ma-delay ang flight, may pambayad ka sa hotel. Kung masira ang sasakyan, may pampagawa ka. Ito ang iyong safety net.
- Maging flexible sa petsa at oras.
- Off-peak travel. Kung kaya, mag-book sa off-peak season o off-peak hours kung kailan mas mababa ang demand at presyo.
- Alternative Dates, Magkaroon ng alternative dates sa isip, dahil mas mura minsan ang pamasahe sa partikular na araw ng linggo.
- Mag-explore ng ibang paraan ng transportasyon.
Bus o MRT – Para sa shorter distances, mas makakatipid kung magba-bus o MRT kaysa sa eroplano, lalo na kung solo traveler.
Carpooling- Kung mag-road trip, mag-carpool kasama ang pamilya o kaibigan para mahati-hati ang gastos sa gasolina.
Hybrid/Electric Vehicles- Kung may kakayahan, isaalang-alang ang paggamit ng mas fuel-efficient na sasakyan.
- Pag-isipan ang distansya at destinasyon.
Staycation o kalapit na lugar- Imbes na lumayo, bakit hindi mag-explore ng mga tourist spots na malapit lang sa inyo? Mas kaunti ang gastos sa transportasyon, mas malaki ang matitira para sa iba pang activities.
Value for money destinations- Piliin ang mga destinasyon kung saan sulit ang gastos mo, at hindi ka na masyadong mag-aalala sa presyo ng krudo.
- Mag-book nang maaga at mag-compare.
Early Bird Deals – Mas mura ang pamasahe at accommodation kung maaga kang magbu-book.
Compare Prices – Gumamit ng online booking sites para i-compare ang presyo ng flights, hotels, at tour packages.
- Kumuha ng travel insurance.
Mahalaga ang travel insurance lalo na sa panahon na maraming pagbabago. Ito ay makakatulong sa pag-cover ng cancellation fees, medical emergencies, lost baggage, at iba pang hindi inaasahang pangyayari. Isama ito sa iyong travel budget.
- Manatiling updated
Palaging subaybayan ang balita tungkol sa presyo ng krudo at travel advisories. Makakatulong ito sa paggawa ng matalinong desisyon.
Sa huli, Juan, ang paglalakbay ay isang pampawi ng pagod at nagbibigay ng bagong karanasan. Kahit pa may fuel crisis, hindi ito imposible. Sa tulong ng matalinong financial planning, pagiging flexible, at kaunting diskarte, makakamit pa rin natin ang ating mga travel goals. Kailangan lang maging handa at hindi padala sa bigat ng sitwasyon. Kaya, planuhin nang maaga, Juan, at maging matalinong byahero!

