HIGIT 200 toneladang gulay ang binili ng pamahalaan mula sa mga magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at diretsong inihatid sa ating mga komunidad.
Sa gitna ng mataas na presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East, patuloy ang pagsuporta sa mga magsasaka habang tinitiyak na may sariwang pagkain sa bawat hapag.




