Ikalawang Bahagi
SA gawaing ito, hiling ng may-akda ang aktibong partisipasyonng mga mambabasa. Naririyan ang The Manila Times na sa mga panahong iyon ay malawakang itinuturing na numero unang broadsheet ng bansa. Sa mga seryosong mananaliksik, ang pahayagan ay maaaring pagkunan ng impormasyon upang linawin ang mga usaping sangkot sa May Day 1972. Tanda ko na ang rally ay pambungad na istorya ng diyaryo sa araw na iyun. Natampok na pangalan ang mga sumusunod: Felixberto Olalia, pangulo ng MASAKA (Malayang Samahan ng mga Magsasaka), bilang chairman ng May Day Revolutionary Committee, Dante Simbulan, vice president ng Philippine College of Commerce (PCC – Polytechnic University of the Philippines ngayon o PUP), bilang vice chairman, at Mauro Gia Samonte, bilangi kalihim heneral.
Ang pagtampok sa pinagpipitaganang “Ka Bert” sa pamunuanng pagkilos ay nagpapahiwatig na sa saklaw ng pangmundong pulitikal na usapin ng sosyalismo, nakapangingibabaw sa Pilipinas nang mga panahong iyun ay ang Unyong Sobyet, katunggali ng China. Samakatuwid, kung titimbangin mo kung wastong kilos ang tangkain mong ibagsak na si Marcos sa pamamagitan ng armadong pag-aalsa ay taliwas sa istratehiya ng pangmatagalang digmaang bayan na siyang mahigit na pinanghahawakan ni Communist Party of the Philippines (CPP) Chairman Jose Maria Sison. Subalit noon pa, katutol-tutol ko na sa linyang ito. Matagumpay ang istratehiya sa China, oo, subalit sabi ng isang kasabihang Chino, “Ang mga madre ay umaawit ng magkakaibang himig sa magkakaibangmga bundok. Ang tagumpay ng Communist Party of China (CPC) laban sa Kuomintang ay hindi patunay na ang istratehiyang isinakatuparan nito sa China ay magtagumpay din sa Pilipinas. At sapagkat ang pangmatagalang digmaang bayan, ay siya rin ngang doktrina na sinusunod – at siya rin ngang mahigpit na ipinasusunod ni Jose Maria Sison, lumikha ito ng seryosong hidwaan sa pagitan ng may-akda at ni Sison noon pa mang maagang bahagi ng rebolusyon.
Kung pasasabugin na sa 1972 rally ang determinadong pagbaba-likwas upang ilugmok na si Marcos ay hindi personal na katanggap-tanggap sa akin.
Magkaganun man, hinding-hindi ang usaping ito ang dahilan kung bakit pinigil ko ang pagbibigay ng signal fire sa May Dayrally ng 1972.
May kung anong kapangyarihan ang bumusal sa aking bibig kung kaya hindi ko magawang isigaw ang hudyat na hinihintay ng balana.
Tandaan na ilang taon na ang nakaraan – noong Agosto 21, 1941, ang buong bansa ay ginulantang ng Plaza Miranda Bombing. Tatlong granada ang isinabog sa entablado ng Liberal Party rally nang gabing iyun. Ang buong tiket ng LP para sa eleksyong senatorial ng panahong iyon ay parang mga nasalanta, alin kung nawasakan ng mata, nabalian ng binti, at kung anu-ano pang disgrasyang puminsala sa katawan.
Ang isang granada ay sumabog sa mga nanonood at kumitil sa buhay ng isang batang babae at puminsala sa daang katao.
Bisperas iyon ng aking kaarawan at nang gabing iyong ay naisip ko ng dumalaw sa aking pamilya (binata pa ako noon). Dahil sa pambobomba sa Plaza Miranda, nagpasya akong pahintuin na muna sa pagpupursige sa edukasyong pangkolehiyo ng dalawang nakababata kong kapatid na babae.
“Panahon ito ng digmaan, hindi ng pag-aaral,” pahayag ko sa dalawa.
(Hindi ako sinunod ng dalawa; at nagpatuloy sa pagtatamo ng college diploma.)
Ngayon, anong kaugnayan ng Plaza Miranda Bombing sa hindi ko paghiyaw ng signal fire sa pagbabalikwas ng Mayo 1, 1972?
Sa Isang rally sa harap ng US Embassy sa kanto ng Roxas Boulevard, tahimik na lumapit sa akin si Ka Estrel at isinukbit sa aking balikat ang telang shoulder bag na kararamdaman mo ng isang bagay na may bigat. Miyembro si Ka Estrel ng MAKIBAKA (Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan) na madalas na dumalaw sa headquarters ng KASAMA.
Pagkasukbit ng bag sa aking balikat, bulong ni Ka Estrel, “Pagkabunot mo ng pin, ibalibag mo. Four minutes, sasabog iyan.”
Gannon ang mga atas sa mga piling aktibista. Walang maraming paliguy-ligoy. Direct, to the point.
“Pagsugod ng mga pulis, maghahagisan na ng mga pillbox ang mga kasama. Isabay mo nang hagis niyan. Iyan ang klase ng sumabog sa Plaza Miranda.”
Balak na idamay sa anumang pinsalang lilikhain ang Hepe ng Pulis ng Maynila nang panahong iyun na si Col. James Barbers. Kung bakit nang sumugod na ang mga pulis at nagpakawala na ng mga pill box ang nakatakdang mga kasama habang tumatakbo palayo, hindi ko ibinato ang granada. Sa halip, nàkitakbo ako nang mabilis sa mga tumatakas na aktibista. Sa pangamba ko na abutan ng mga pulis, naisip kong tumalon patago sa paanan ng Monumento ni Rizal, na alam ng lahat ay 24 oras na nababantayan ng dalawang sundalong Marine. Sa pakitang pagmamalasakit ng dalawang Marine, nabuhayan akong loob. Habang walang hinto sa pagmartsa paikot sa paanan ng monumento, ang dalawang Marine ay patuloy sa palihim napagsenyas sa akin sa pamamagitan ng mga panakaw na mga tingin at muestra ng mga ulo na sumiksik lang ako sa aking pinagtataguan sa gilid ng mga barandilyang pader na bumabakod paikot sa paanan ng monumento.
At sa pakikipagtulungan nga ng dalawang Marine, nagawa kong Makaila’s sa tiyak na pagkakahuli ng mga pulis.
Dalawang mahahalagang katotohanan ang inilantad ng karanasang iyan.
Una, ang pag-amin ni Ka Estrel na ang CPP at hindi si Marcos ang nagpabomba sa Plaza Miranda. At pangalawa, na sa hanay ng mga kasundaluhan ni Marcos, may mga may mabuting ka loonan.
Nahubdan ng katwiran si Ninoy Aquino sa pamamarali na si Marcos ang nagpabomba sa Plaza Miranda at nahayag kahit man lang sa akin na ang kasundaluhan ng pamahalaan ay may mga mabuting kalooban. Ang kasundaluhang ito ang malalagay sa panganib ang mga buhay kung ibinigay ko ang signal fire sa May Day Rally ng 1972.
Mangyari pa, ang usapin ng pagiging makatao ay dapat na nasa wastong konteksto. Sa doktrina ng giyera, maging ang usapin ng humanismo ay limitado pa rin ng pagsasaalang-alang kung ikaway kakampi o kaaway.
Sa isyu ng Plaza Miranda Bombing, buong bansa ay ng papaniwalain ni Ninoy na si Marcos ang may kagagawan. Ngayong malantad na sa Inyo na hindi pala, hindi ba na sa iwing pagsasaalang-alang sa halaga ng katarungan, malinaw naburado na ng anumang pananagutan si Marcos?
At ang hinala sa tunay na kademonyuhan sa usaping ito ay marapat lamang na mabaling sa kung sino ang nagpapasa-demonyo kay Marcos.
Sino?
Patuloy ang pagpapangibabaw ng mga patlang na pawang humihinging punan.