SA ika-124 na pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, inilapit ng pamahalaan ang 4,062 bakanteng trabaho sa humigit-kumulang 1,000 jobseekers sa General Santos City sa pamamagitan ng job fair na nilahukan ng 62 lokal at overseas employers. Ito ay bahagi ng 154,159 oportunidad na iniaalok sa 89 lugar sa buong bansa, kasabay ang one-stop shop ng employment services, skills training, at libreng health services upang mapabilis ang pagsisimula sa trabaho at mas mapalakas ang kabuhayan.

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang prayoridad na mas patibayin at palakasin ang kabuhayan ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na job fairs, skills training, at mga programang nagtataguyod ng mas maayos na sahod at proteksyon para sa mga manggagawa tungo sa isang mas matatag na Bagong Pilipinas.




