32 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 22, 2026

Dekalidad na pagsasanay para sa Child Development Workers isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG patatagin ang paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa early childhood care and development (ECCD) sa buong bansa, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang agarang pangangailangan para sa dekalidad na pagsasanay at mga programa sa upskilling para sa mga Child Development Workers (CDWs).

Sinundan ng pahayag ni Gatchalian ang ceremonial graduation para sa mga CDWs at paglulunsad ng ECCD e-learning courses ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) sa Naga. Si Gatchalian ang sponsor ng Early Childhood Care and Development System Act (Republic Act No. 12199).

“Mahalaga ang papel ng ating mga Child Development Workers, lalo na’t sila ang nagbibigay- kalinga at nagpapatatag ng pundasyon ng mga batang wala pang limang taong gulang,” ani Gatchalian.

Layunin ng batas sa ECCD na makamit ang universal access para sa mga batang wala pang limang taong gulang. Mandato rin ng batas ang pagkakaroon ng national competency assessment ng mga CDW, certification, reskilling at upskilling ng kasalukuyang CDWs, at scholarships para sa kanilang patuloy na edukasyon.

Binigyang diin din ni Gatchalian na sa ilalim ng 2026 national budget, may nakalaang P226.9 milyon para sa scholarship program ng kasalukuyang mga CDW. Ang naturang pondo ay bahagi ng Quality Technical Education and Skills Development Programs ng Tesda.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -