27.6 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Mas pinalakas na kakayahan ng Pilipinas sa space science at technology para sa natl security, digital connectivity at disaster resilience

- Advertisement -
- Advertisement -

SA ika-9 na Philippine Space Council (PSC) meeting, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtalakay sa mga pangunahing hakbang upang mapabilis ang pagbuo ng mga programang magpapalawak sa sovereign space capabilities ng bansa, kabilang ang Multispectral Unit for Land Assessment (MULA) Constellation Program, Philippine Sovereign Geostationary Telecommunications Satellite Program, harmonization ng satellite data requirements ng pamahalaan, at pagpapatibay ng national orbital debris response protocols.

Tinalakay rin ang mga satellite development, space infrastructure, at mga inisyatibang magbibigay sa bansa ng mas malawak na access sa mahalagang space-based data para sa agrikultura, disaster response, environmental monitoring, at iba pang kritikal na serbisyo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -