26.8 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Legarda: ‘Take-over’ sa Senado, labag sa Konstitusyon at sa rules ng Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

IGINIIT ni Senate President Pro Tempore at Four Term Senator Loren Legarda na labag sa Saligang Batas ang ginawang “takeover” ng Minority Block sa Senado.

Ayon kay Legarda, walang senador na maaaring tumayong Senate President sa boto lamang ng 12 miyembro. Malinaw na nakasaad sa Article VI, Section 16(1) ng 1987 Constitution na ang Senate President ay mahahalal lamang sa pamamagitan ng boto ng mayorya ng lahat ng miyembro ng Senado. Dahil 24 ang kabuuang bilang ng mga senador, 13 boto ang kailangan upang magkaroon ng mayorya.

At dahil 12 lamang ang boto ng Minorya, wala silang sapat na bilang para maghalal ng Senate President o magbigay ng awtoridad sa sinumang senador na gumanap bilang Senate President.

Sa ilalim naman ng Rule II, Section 2 ng Rules of the Senate, “Ang mga opisyal ng Senado ay ihahalal sa pamamagitan ng boto ng mayorya ng lahat ng mga kasapi nito.” Ibig sabihin, kailangan din ng hindi bababa sa 13 boto upang mahalal ang Senate President Pro Tempore, Senate Secretary, at Sergeant-at-Arms.

Ayon kay Legarda, malinaw itong kinilala at inamin mismo ng mga senador ng Minorya sa kanilang mga pahayag. Ito ang rason kung bakit hindi sila naghalal  ng Senate President dahil kulang sila sa kinakailangang 13 boto. Sa parehong dahilan, wala rin silang sapat na bilang upang legal na maghalal ng Senate President Pro Tempore.

“Malinaw ang Konstitusyon at ang mga tuntunin ng Senado, dapat itong sundin ayon sa nakasulat,” diin ni Legarda.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -