IBINALITA ni Vice President Sara Duterte ang ginawa niyang pagbisita sa mga biktima ng lindol sa Mindanao. Narito ang kanyang pahayag.

“Personal nating binisita noong nakaraang linggo ang Sarangani Provincial Hospital, General Santos Doctors Hospital, at St. Elizabeth Hospital upang kumustahin ang kalagayan ng ating mga sugatang kababayan kasunod ng pagyanig ng malakas na lindol sa Mindanao kamakailan.

“Hinikayat natin sila na patuloy na magpakatatag at tutukan ang kanilang pagpapagaling.
Ipinaabot din natin ang ating pasasalamat sa lahat ng medical frontliners para sa kanilang ‘di-matatawaran na serbisyo, lalo na sa gitna ng kalamidad.
“Mga kaigsuonan, taliwala niining tanan, pabilin kitang magpakalig-on ug padayon nato nga iampo ngadto sa Ginoo ang kaluwasan sa tanan.” Ulat mula sa Facebook page ni Inday Sara Duterte



