LUNGSOD QUEZON, Kalakhang Maynila — Sa gitna ng pagkasawi ng 98 indibidwal at pagkasira ng milyun-milyong ari-arian sanhi ng bagyong Paeng (International name Nalgae), inatasan ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) chairperson Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ang lahat ng field operations offices ng Komisyon na magsagawa ng dagliang pagresponde sa mga apektadong urban poor family na nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Usec. Jordan na sadyang pinag-utos ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tugunan agad ang mga pangangailangan ng lahat ng mga biktima ng bagyong Paeng. Idinagdag nito na inatasan niya si PCUP Commissioner for the National Capital Region (NCR) Rey Galupo na makipag ugnayan sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at humiling ng tulong upang matugunan ang kalagayan ng mga biktima ng bagyo.
Bilang reaksyon, hiniling ni Comm. Galupo sa PAGCOR sa pamamagitan ng tanggapan ng vice president for corporate social responsibility Eric Balcos para sa mga donasyon na ipapamahagi sa mga pamilyang nangangailangan ng tulong mula sa pinsalang dulot ni Paeng.
Sa kanyang liham kay PAGCOR chairperson and chief-executive-officer Alejandro Tengco, hiniling ng dating mamamahayag at ngayo’y opisyal ng PCUP ng ayuda na makakatulong ng malaki sa mga biktima ng kalamidad.
“On behalf of our clients (urban poor), the commission would like to humbly request for donation in kind to be distributed to the typhoon affected urban poor communities in the Visayas and Mindanao Regions targeting 10,000 beneficiaries. In the alternative, the Commission would also like to express its willingness to be your partner in your relief distribution activities,” wika ng NCR commissioner sa kanyang liham.
Idinagdag din ni Comm. Galupo para bigyang pansin na sanhi ng patuloy na pagsama ng kondisyon ng panahon dulot ng bagyong Paeng, ang kalagayan ng mga maralita ay lalo pang sumama kaya tunay ngang dapat na mabigyan ang mga ito ng tulong mula sa pamahalaan.
“Already deprived of the basic necessities in life and the existence of Covid-19 in the country making it even more difficult, if not impossible, for them to make ends meet, many of the typhoon victims have been left starving in their make-shift homes,” kanyang pinunto.