25.7 C
Manila
Martes, Enero 14, 2025

DBM: Mahigit P1 B inilaan para sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection

- Advertisement -
- Advertisement -

Bilang suporta sa patuloy na pagpapabuti ng fire service sa bansa, naglaan ang Administrasyong Marcos ng P1.737 B pondo para sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang pondo ay gagamitin para sa pagkuha at pagsasaayos ng mga pasalidad, pagbili ng firetrucks, fire fighting, personal protective equipment, at emergency and rescue equipment.

Sa nasabing halaga, nakalaan ang P.737 B sa BFP specific budget sa ilalim ng FY 2023 General Appropriations Act (GAA), habang ang P1 B ay kukunin sa 80 percent ng buwis, fees, at fines na nakolekta alinsunod sa Fire Code of the Philippines.

“Habang ating ginugunita ang buwan bilang Fire Prevention Month, hayaan ninyong i-highlight natin ang special provision ng Marcos Jr. administration para suportahan ang modernisasyon ng ating BFP. Naglaan tayo ng P1.7 Billion para sa gamit ng ating mga bumbero. Pagkilala rin ito sa kanilang halaga sa ating lipunan bilang life savers sa panahon ng disasters at emergencies,” sabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.

Ang buwan ng Marso bawat taon ay idineklarang Fire Prevention Month, ayon sa Presidential Proclamation No. 115-A.

Samantala, minamandato ng Republic Act (R.A.) No.11589 ang BFP, kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG), na gumawa at magpatupad ng BFP Modernization Program para mapabuti ang kakayahan ng kanilang personnel at pagkuha ng state-of-the-art fire prevention, fire suppression, fire investigation, at emergency medical and rescue services, facilities at equipment.

Naglaan ng P27.11 bilyong budget sa BFP sa ilalim ng 2023 GAA.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -