Ang katalinuhan
Handog ng Maykapal
Lahat Niyang likha
ay BUTI ang taglay
Ang tao’y binigyan
Niyong kalayaan;
Masama, mabuti
ang pagpipilian.
Sa usaping Bansa
natin ay pag-unlad
Isa’t isa natin ay gamit ang utak
Pawang malikhain,
pawang magagaling
Pag-usad ng bansa
ang tanging layunin.
Itong Maharlika Wealth Fund
ay bunga ng isip
At pinag-aralan na
ng talim ng lirip
Pulos maaalam na
ang tanging nais
Ekonomiya ng bansa
saganang tumindig!
At pinag-usapan,
pinagtalakayan
Mababa’t Mataas
nating Kapulungan
Ang nagpanukala
Ay tinimbang timbang
Ang Maharlika Fund,
ang pondong naipon
ay kung ilalaan at ipupuhunan
Sa mga negosyo
Pagkakakitaan Salapi’y tutubo
Uunlad ang bayan.
Maganda ang pakay,
layunin, maganda
Halos sumang-ayon ang balana
Subalit may ilang
Nag-isip, nagduda
Nakakatiyak ba itong
Maharlika Investment–kikita?
Mga sumalungat “Huwag
nating isugal ang yamang naipon
Mangyaring ibayad sa utang bayan,
utang nang malaon
At ang mamamayang hikahos at gutom
Siyang bigyang pansin ng Pangulong Bongbong!
Ayon sa kanila ang MWF
ay maghihintay pa
Ng maraming taon
Kung anong resulta
Paano kung malugi o pumalpak baga
Ang kawawang Bayan
ang siyang magdurusa!
Sa aking palagay
Katapatan lamang
syang tanging susi
Sa mga nag-aral at nagpanukala
ng Banal na mithi
Daanin sa pulong
Tapat at masidhi
Walang halong imbot
totoo sa puso
magdasal sa LANGIT.