30.4 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Gatchalian: Kapasidad ng mga SUCs palawakin upang mas maraming makinabang sa libreng kolehiyo

- Advertisement -
- Advertisement -

SA gitna ng mga panawagang repasuhin ang Universal Access to Quality Tertiary Education (Republic Act No. 10931) o ang free higher education law, isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang pagpapalawak sa kapasidad ng mga State Universities and Colleges (SUCs) upang mas maraming mga kwalipikadong mag-aaral ang makinabang sa libreng kolehiyo.

Sa gitna ng mga panawagan na suriin ang Universal Access to Quality Tertiary Education (Republic Act No. 10931) o ang libreng higher education law, nais ni Senador Win Gatchalian ang pagpapalawig ng State Universities and Colleges’ (SUCs) capacity upang mas maraming kwalipikadong estudyante ang makatanggap ng libreng college education. Kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN 

“Mahalagang hakbang ang pagpapatupad ng libreng kolehiyo upang mabigyan ang ating mga kabataan ng mas magandang kinabukasan. Ngunit dahil sa kakulangan ng ating mga SUCs ng mga silid-aralan, pasilidad, at mga guro, may mga kabataan pa rin tayong hindi nakikinabang sa libreng kolehiyo kahit na kwalipikado sila, at dapat natin itong tugunan,” ani Gatchalian, co-author at co-sponsor ng free higher education law.

 

Ayon sa mambabatas, dumami ang bilang ng mga mag-aaral sa basic education na nagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo dahil sa naturang batas. Bago naging batas ang libreng kolehiyo, umabot lamang sa 54 porsyento ang progression rate mula high school papuntang kolehiyo para sa Academic Year (AY) 2013-2014, samantalang 62 porsyento naman ang naitala para sa AY 2014-2015. Ngunit noong nagkaroon ng libreng kolehiyo, pumalo sa 81 porsyento ang progression rate ng high school tungo sa kolehiyo mula 2018 hanggang 2022.

 

Batay sa naging konsultasyon ni Gatchalian sa mga pangulo ng mga SUCs, may mga mag-aaral na hindi natutuloy mag-enroll kahit nakapasa na sila sa admission exam. Dahil ito sa naging kakulangan ng mga silid-aralan, mga pasilidad, laboratoryo, at mga guro na kinakailangan ng mga mag-aaral.

 

Bagama’t umakyat na ang pondo para sa libreng kolehiyo nitong mga nagdaang taon, pinuna ni Gatchalian na hindi naging sapat ang pagtaas ng capital outlay para sa mga SUCs. Habang wala pang opisyal na bilang ng mga mag-aaral na apektado ng limitadong kapasidad ng mga SUCs, isinusulong ni Gatchalian ang pagkakaroon ng roadmap para tugunan ang mga kakulangang ito.

 

Para sa 2024, humigit-kumulang P51.1 bilyon ang kinakailangan para sa pagpapatupad ng free higher education law.

 

Nanindigan din si Gatchalian na hindi na kinakailangan ang national screening test upang suriin kung sinong mag-aaral ang dapat makatanggap ng libreng kolehiyo. Aniya, meron nang sariling admission exam ang mga SUCs at mga Local Universities and Colleges (LUCs).

 

Tiniyak naman ng chairman ng Senate Committee on Basic Education na sa pamamagitan ng Second Congressional Commission on Education (Edcom 2), patuloy ang pagsisikap na patatagin ang basic education sa bansa upang tumaas ang tsansa ng mga mag-aaral na makapasok at makatapos ng kolehiyo. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -