26 C
Manila
Martes, Oktubre 8, 2024

Ika-10 mega job fair isinagawa sa Caloocan

- Advertisement -
- Advertisement -

MAHIGIT 3,700 job openings ang ginawang available para sa mga naghahanap ng trabaho sa Caloocan sa katatapos na Mega Job Fair na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa SM Grand Central, sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DoLE).

Mega Job Fair sa Caloocan

Pinapurihan ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod para sa kanilang patuloy na pagsisikap na maiugnay ang mga residente ng Caloocan sa mga potensyal na employer, na nagresulta sa ika-10 pag-ulit ng nasabing job fair.

“Hindi po tumitigil ang pamahalaang lungsod sa paggawa ng paraan upang makapaghatid ng nga oportunidad sa mga Batang Kankaloo. Sa maiksing panahon pa lamang ng ating pamumuno, sampung beses na po tayong nagkaroon ng Mega Job Fair sa tulong na rin po ng PESO at ng ating mga katuwang,” aniya.

Binigyang-diin din ng alkalde na ang mga programang pangkabuhayan ng lungsod ay hindi tumitigil sa mga job fair, dahil ang iba pang mga programa ay magagamit din upang pagyamanin ang mas progresibo at inklusibong mga mapagkukunan ng kita para sa kanyang mga nasasakupan.

“Malaking programa po natin ang job fair ngunit batid po natin na hindi lahat ng Batang Kankaloo ay maaaring makapag-apply sa mga trabahong ino-offer sa mga ito,” sabi pa ni Malapitan.

“Kaya naman kami po sa pamahalaang lungsod ay palaging nag-iisip ng iba pang programang pang-kabuhayan na angkop sa iba’t-ibang pangangailangan ng ating mga kababayan. Nandyan ang mga libreng skills training, kasama pa ng livelihood programs para sa mga solo parent, senior citizens, at mga PWD,” dagdag ng alkalde.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -