26.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 7, 2024

Administrasyong Marcos umaasang matutuloy ang  Kasunduang Pangkapayapaan

- Advertisement -
- Advertisement -

UMAASA ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matutuloy nang magkaroon ng kasunduang pangkapayapaan ang pamahalaan at ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año sa isang pahayag mula sa Tanggapang Pangpanguluhan sa Komunikasyon (Presidential Communications Office), naniniwala siya na panahon na upang tapusin ang limang dekadang armadong rebelyon ng mga komunista sa Pilipinas.

Simula nang nakaraang taon ay may naganap na di-pormal na mga pagpupulong ang mga kinatawan ng gobyerno at NDFP at nagresulta ang mga ito sa isang joint communique na nilagdaan ng magkabilang panig sa Oslo, Norway nitong Nobyembre 23.

Itinuturing ito ng maraming opisyal ng gobyerno na isang magandang kaganapan upang tuluyan nang magkaroon ng “closure” ang marahas na labanan ng mga rebeldeng New People’s Army — ang  armadong grupo ng NDFP, at mga sundalo ng gobyerno.

Umaasa si Año na ang mga naunang usapan ay magbubunga ng pinal na kasunduang pangkapayapaan na tatapos sa mga labanan lalo pa’t sa kasaysayan ng mundo, lahat ng digmaan ay natapos sa pamamagitan ng mga negosasyon at kasunduan.

“Palagay ko, ito na ang panahon para magkaroon ng closure, closure na katanggap-tanggap sa lahat, sa mga Pilipino. Partikular na sa paghinto ng mga barilan, sa pamamagitan nito, ito ay napakagandang oportunidad na makapagbigay– pero ang amnestiya ay kaugnay ng isang partikular na kasunduan. (And I think, it’s about time to have closure, closure that is acceptable to everybody, to the Filipino people. Particularly, ending the armed struggle so with this, I think, this is a very, very good opportunity to be able to give—but amnesty is actually in tandem with is particular agreement),” wika ni Año.

“At maaaring ito na ang pinakahuling kasunduan na magagawa natin at matapos na rin yung armed struggle (And maybe this is the final agreement that we can come to and matapos na rin iyong armed struggle),” dagdag pa niya.

Patungo sa kasunduan

Kaya naman isang panibagong kaganapan ang joint communique na inanunsyo ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez, Jr. na nagsabing lumagda ang pamahalaan at ang NDFP ng isang joint communique sa Oslo, Norway nitong Nobyembre 23.

Aminado ang pamahalaan na hindi ito magpapahinto sa mga labanan ngunit ikinokonsidera itong isang simula para matigil na ang labanan ng NPA at ng mga sundalo ng gobyerno.

“Gusto ko lang maidagdag siguro na kapag itong usapin na ito ay magbunga sa isang kasunduan, mawawala ang final ostensible political basis na mang-wage ang grupo na nag-i- espouse ng CPP-NPA-NDF line for any armed struggle. That will be erased, the political basis for it. So it is important,” ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. .

Ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang  joint communiqué ay isang napakagandang balita sa mga sundalo “dahil ang mga sundalo, higit sa lahat, ang gusto magkaroon ng kapayapaan.”

“Kasi nga po para sa amin, parang naging personal na itong laban na ito. Marami sa aming kasamahan ang namatay dahil dito sa insurgency na ito. Marami sa aming kamag-anak, pinsan ko mismo, namatay sa kamay ng New People’s Army,” ani Brawner.

“Kaya ito talaga ay personal na tagumpay para sa amin, at bukod dyan, kung matatapos na talaga ang labanan na ito, ang Armed Forces of the Philippines ay makakapag-focus na sa pagdepensa sa ating hangganan (So, this is really a personal victory for us, and aside from that, if this conflict will finally end, your Armed Forces of the Philippines will be able to shift our focus on external or territorial defense. So, iyong amin pong resources, efforts, will be poured into defending our territory),” dagdag pa niya.

Umaasa naman si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda na ang joint communique ay tunay na magbunga ng kasunduang pangkapayapaan.

Aniya kaysa magasta sa pagbili ng bala at armas ang pondo, ito ay maaaring mapunta sa pagbili ng makinarya at pagpapagawa ng mga istraktura na makakatulong sa pag-unlad ng bansa.

Ganoon din ang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.

“Sa NEDA naman, as we all know, instability particularly political and this case itong instability, war is very, very costly to the economy and so efforts to achieve peace particularly in the countryside is surely inclusive and growth-inducing,” ani Balicasan.

Sa local level, positibo rin ang naging pahayag ni Interior and Local Government Secretary Benjmain Abalos Jr. na naniniwalang mararamdaman ng mga lokal na pamahalaan ang epekto ng peace agreement dahil higit na madarama ito ng mga ordinaryong mamamayan.

“Ramdam ng local government units especially those affected by insurgency. What is important will be this transition period na kung saan, of course, sabi nga ng ating mahal na Pangulo, it’s a whole-of-government approach kaya nandirito kami lahat ngayon,” ayon kay Abalos.

 

“Peace and order is always key to every economic development. So, diyan na papasok lahat, magtutulungan lahat ang ahensiya towards this goal. Of course, nandiyan sa grassroots ang local government units,” aniya.

Nagpahayag din ng suporta si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian para sa panibagong exploratory talks ng pamahalaan at ng mga rebelde.

“Sa amin sa DSWD, ang lente na tinitingnan namin ay kahirapan at kagutuman. So, kami ang primary goal namin is maiahon ang bawat Pilipino mula sa kahirapan at kagutuman. So, iyon ang aming mandato dito for every single Filipino,” wika ni Gatchalian.

Hindi parehong pananaw

Ngunit iba ang pahayag ni Bise-Presidente Sarah Duterte, anak ni dating Pangulong Duterte, na lumabas sa isang Facebook Reel ng DZME nitong Disyembre 4.

Mariing tinutulan ng Pangalawang Pangulo ang usapang pangkapayapaan sa NDFP na aniya ay isang “kasunduan sa demonyo (agreement with the devil).”

Aniya, napatunayan na ng kasaysayan na hindi seryoso at walang sinseridad ang NDFP sa usapang pangkapayapaan.

“Gagamitin nila itong peace negotiations sa pagtraydor sa pamahalaan at panlinlang sa taumbayan. We appeal to your power to review these proclamations and agreements. Apo BBM, sana po ay isaalang-alang natin ang ating mga komunidad na naging pugad ng mga terorista sa mahabang panahon na ngayon ay lumalaban na at tumutulong sa pamahalaan. Let us honor the memory of those who died in the senseless attacks of the CPP-NPA-NDFP,” pahayag ng Bise-Presidente.

Sa kabila ng pahayag ng Bise-Presidente, natuloy na aprubahan kinabukasan, Disyembre 5, ng Committee on Justice at Committee on National Defense and Security ng Kongreso ang House Concurrent Resolutions 19, 20, 21, at 22 na nagbibigay amnestiya sa mga dating kasapi ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RMRP-RPA-ABB), Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CCP-NPA-NDF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), at Moro National Liberation Front (MNLF).

(Sundan ang ikalawang bahagi)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -