NAGPA-ALAALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Facebook page na maging ligtas sa biyahe.
Sa mga bibiyahe pabalik o paluwas man ng Metro Manila pagkatapos ng long holiday break, tiyakin ang iyong kaligtasan.
Maging alerto sa lahat ng oras dahil dagsa ang mga biyahero sa mga bus terminal, pantalan, at paliparan.
Para sa mga motorista: balik na muli ang pagpapairal ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 7 am – 10 am at 5 pm – 8 pm.
Have a stress-free at hassle-free biyahe sa Day 2 ng Bagong Taon.