31.2 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 14, 2024

Saan dadalhin ang Pilipinas sa pakikibaka sa paglobo ng mga presyo?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO na ang kinahinatnan ng pakikibaka ng bansa sa paglobo ng mga presyo? Tuloy-tuloy na kaya ang tagumpay ng economic authorities sa pakikibakang ito?

Noong Disyembre 2023, muling bumaba  ang year-on-year (YOY) inflation nang sunud-sunod na buwan mula noong Setyembre. Mula 6.1 porsiyento noong Setyembre, bumagsak ito sa 4.9 porsiyento noong Oktubre, dumausdos sa 4.1 porsiyento noong Nobyembre at lumagapak sa 3.9 porsiyento noong Disyembre. (Table 1) Sa Disyembre, pumasok na ang bansa sa  higher end ng range ng inflation target na 2-4 porsiyento. Ito ang pinakamababang antas ng pagtaas ng presyo mula noong Pebrero 2022. Kung mananatili ito sa susunod na buwan, maari nang tapusin ng Bangko Sentral ang kanyang tight monetary policy na naging sanhi ng mataas na interest rates at pag-urong ng investment growth.

Malaking naiambag ang food prices sa pagbaba ng inflation. Bumaba ang YOY inflation ng food mula 9.7 porsiyento noong Setyembre sa 7.0 porsiyento noong Oktubre, 5.7 porsiyento at 5.4 porsiyento sa magkakasunod na buwan.

Ngunit nagbabadyang tumaas uli ang food inflation dahil sa 19.6 porsiyento na paglobo ng rice prices noong Disyembre. Dahil din ito sa pagtaas ng  export price ng major rice exporters gaya ng Thailand at India. Ayon sa Thai Rice Exporters Association,  umakyat ang Thailand export prices ng white rice 5 porsiyento brokens nang 6.9 porsiyento sa $643.5/MT noong Disyembre ng 2023 kumpara sa $602/MT noong Nobyembre. Ayon din sa prediksiyon ng World Bank, mananatiling mataas ang presyo ng rice sa 2024 dahil sa patuloy na export restrictions sa bigas ng India at ang inaasahang “ moderate-to-strong El Niño” na maaaring makaapekto sa ani ng agrikultura sa unang kalahati ng 2024.

Pagkatapos ng habagat at baha at pagdating ng imports ng pagkain, maliban sa bigas, naging matatag na ang supply ng limang food items sa merkado. Tuloy ang pagbaba ng YOY inflation ng karne, isda, gatas, gulay at asukal.


Tuloy-tuloy din ang pagbaba ng non-food YOY inflation sanhi ng paghina ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Nagsimula nang bumagsak ang YOY inflation ng transport, mula 1.2 porsiyento noong Setyembre      pababa sa 0.4 porsiyento noong Disyembre. Base sa Dubai crude oil market, bumaba nang 8.1 porsiyento sa $77.33/barrel sa Disyembre mula sa presyo nito na $83.56 noong Noyembre, at 16.1 porsiyento mula sa $89.76 noong Oktubre.

Patuloy din ang pagnormalisa ng  month-on-month (MOM)  inflation. Nanatili sa 0.2 porsiyento ang MOM inflation noong Nobyembre at Disyembre. Pag in-annualize ang 0.2 porsiyento na MOM inflation, ito ay aabot lang sa 2.4 porsiyento  na mas mababa nang bahagya sa 2.5 porsiyento na YOY inflation noong 2019, ang huling taon bago ang pandemya.

Tumaas ang MOM inflation ng bigas,, karne, at gatas ngunit bumaba o nanatiling negatibo ang MOM inflation ng isda, gulay at asukal.

Sa non-food category naman,  naging negatibo ang MOM inflation nito na -0.2% dahil sa pagbaba ng inflation ng housing, water, electricity, gas & other fuels; furnishings, household equipment and routine household maintenance; at transport; samantalang patuloy na metatag na inflation  ng health at information and communication.

- Advertisement -

Sa hinaharap, ang patuloy na pagbaba ng presyo ay depende sa resulta ng food production program ng administrasyon sa gitna ng “moderate-to-strong El Niño. Naglunsad na ng programa ang Department of Agriculture (na naging paksa ng kolum na ito noong Disyembre 26 na isyu) dahil alam na nila ang nagbabadyang tuyot na kalahating taon ng 2024.

CONSUMER PRICES
    In Percent        Year-on_year      Month-on-month
November December November December
ALL ITEMS 4.1 3.9 0.2 0.2
I. FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 5.7 5.4 0.2 0.7
   Food 5.8 5.5 0.2 0.8
       Rice 15.8 19.6 2.7 3.5
       Meat 0.5 0.2 -0.5 0.6
       Fish 4.9 4.8 0.4 0.1
       Milk 7.6 7.4 1.0 0.6
       Vegetables -2.0 -9.2 -4.0 -2.8
        Sugar 1.5 0.1 -0.4 -0.4
II. ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO 9.0 10.7 0.3 0.5
NON-FOOD 2.9 2.6 0.1 -0.2
III. CLOTHING AND FOOTWEAR 4.3 4.2 0.2 0.3
IV. HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS 2.5 1.5 0.3 -0.5
V. FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE 4.7 4.5 0.3 0.2
VI. HEALTH 3.8 3.7 0.2 0.2
VII. TRANSPORT -0.8 0.4 -0.6 -0.8
VIII. INFORMATION AND COMMUNICATION 0.6 0.5 0.0 0.0
Source: PSA
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -