30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Gatchalian nanawagan para sa  pagtitipid ng enerhiya

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian sa publiko na maging masinop sa paggamit ng kuryente o enerhiya.

Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang publiko na magtipid para sa paghahanda sa darating na El Nino simula ngayong Pebrero. Larawan kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

“Magsilbing paalala sana ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng kuryente. Ang anumang responsableng energy practices ay hindi lamang para sa pagtitipid ng pera, matitiyak din natin ang sustainability at pagbabawas ng environmental impact bunsod ng mataas na konsumo ng kuryente,” sabi ni Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, ang inaasahang pagdating ng El Nino phenomenon ngayong taon ay nagbibigay-diin ng pangangailangang magtipid ng enerhiya.

“Dahil ang El Nino phenomenon ay nagdudulot ng mas mainit kaysa sa karaniwang kondisyon ng panahon, maaaring magdulot ito ng pagtaas ng konsumo sa kuryente dahil sa pagtaas din ng demand.  Kaya kailangang tiyakin na ang bansa ay may sapat na suplay ng enerhiya upang matugunan ang pangangailangan ng kuryente ng bansa,” sabi ni Gatchalian.

Ang mahusay na paggamit ng energy sources ay itinakda sa Republic Act 11285, na kilala bilang Energy Efficiency and Conservation Act, kung saan si Gatchalian ang may akda.  Ayon sa probisyon ng batas, ang kahusayan sa paggamit ng enerhiya at pagtitipid ay dapat gawing institutionalized sa pamamagitan ng pagbuo at pagpapatupad ng mga polisiya.  Ang mga planong ito ay naglalayong tiyakin ang kasapatan at katatagan ng suplay ng enerhiya nang sa gayo’y mapagaan ang epekto ng mataas na presyo sa lokal na merkado at maprotektahan ang kapaligiran.  Ang inisyatibang ito ay bilang pagsuporta upang umunlad ang ekonomiya at mga layunin ng bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -