26 C
Manila
Martes, Oktubre 8, 2024

Trilateral meeting ng PH, US at Japan tinawag na ‘new horizon of cooperation’ ni Blinken

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa Pilipinas nitong Marso 18 hanggang 19, 2024, tinawag niya ang nakatakdang trilateral meeting ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan na “new horizon of cooperation” (“bagong abot-tanaw na kooperasyon”).

 

Naniniwala si Blinken na ang tatlong bansa ay may parehong prayoridad, kabilang ang pagtataguyod ng internasyonal na batas.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binigyang-diin ni Blinken ang kahalagahan ng paparating na trilateral na pagpupulong ni Pangulong Marcos kasama si US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida sa Washington sa susunod na buwan.


“That new horizon of cooperation is also incredibly promising. It’s building on the reach foundation between our countries where we have the same priorities, whether it’s an economic development, whether it’s dealing with climate change, with food security, of course, upholding international law,” (“Ang bagong abot-tanaw na pagtutulungan ay siguradong maaasahan. Itinatayo ito sa pundasyon ng mga bansang may parehong prayoridad, pagpapaunlad man ito ng ekonomiya, kahit tungkol ito sa climate change o food security lalo na ang pagpapatupad ng internasyonal na batas,”) dagdag ni Blinken.
Binigyang-diin niya na ang pagkakatulad ng tatlong bansa ay “nasa unahan at sentro” ng kooperasyon.

PH-US relations, prayoridad ni Biden
Ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos ay prayoridad ni US President Joe Biden.
Ito ang pahayag ni US Secretary of State Antony Blinken nitong Martes sa Palasyo ng Malacañan kung saan muling pinagtibay nito ang pangako ng kanyang gobyerno sa bilateral na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at US.

“So important to us is even us we’re dealing with those challenges, our focus, our engagement, our commitment to the Indo-Pacific are at large, and to the relationship, the alliance between the United States and the Philippines, in particular, is more than rock solid,” sabi ni Blinken.

“It’s absolute priority of President Biden, and that’s why he asked me to be here, and I am glad to see you again,” dagdag pa niya.

- Advertisement -

Mainit din ang naging pagtanggap ni Pangulong Marcos kay Blinken na ikalawang beses nang dumalaw sa bansa. Idinagdag pa niya na ang pagbisita ni Blinken ay kanyang ipinagpapasalamat dahil sa “mga pangyayari sa ibang panig ng mundo.”

Ang mga bilateral na pagsisikap na suportahan at palakasin ang alyansa ng PH-US, kabilang ang pagtaas ng kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan at pagsusulong ng mga nakabahaging demokratikong pagpapahalaga ay tinalakay sa courtesy call ni Blinken kay Pangulong Marcos. Tinalakay din nila ang pagtataguyod ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon, modernisasyon ng depensa at kooperasyong pang-ekonomiya. Halaw sa ulat ng Presidential News Desk

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -